Friday, August 12, 2011

Temper, temper,temper

Dear insansapinas,

photocredit
I hate it when I lost my cool. Lumalabas ang sungay ko at pangil at nangangagat. At pagkatapos, nagsisisi ako na nakasugat ako ng aking pangil.

When I was a department head, I was very careful not to hurt my subordinates' feelings. Hindi ako  "The Devil Wears Prada" kind of leader. I adopted the carrot or carrot instead of carrot or stick policy of rewarding  people. Galing ng pasakalye.


WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
Nagalit ako ngayong gabi at hindi ko alam sumisigaw naman ako sa telepono. . So? taas ninyo ang  inyong kilay. Kasi ayaw kong nagagalit. Ayaw kong nakakasakit ng damdamin ng tao na kulang na lang sabihin ko, MAY UTAK BA KAYO?


Three months ago, may reseta ako sa doctor. One tablet per day, good for ninety days. Before 60 days were over, muli akong bumisita sa doctor  at nireklamo ko na para ring  walang effect. Sabi niya, tingnan nating pag doble ang dosage. You come back after a month. Tinawagan niya ang pharmacy para baguhin ang prescription niya.


Tumawag ako sa pharmacy.Tinanong ko kung natanggap nila ang order ng doctor para sa akin na bagong dosage. Sabi sa akin oo raw pero nagrefill na nila ibibigay.Hige.

Aug 2, nagrefill ako. Old dosage pa rin. Tamang-tama, appointment ko sa doctor. Tinanong niya ako kung iniinom ko na yong bagong dosage. Sabi ko hindi. Kasi nagrefill lang ako ng Aug. 2 tapos old dosage pa ang ibinigay sa akin. Kaya nga yon din ang itatanong ko. Tawag siya sa pharmacy. Tapos binigyan niya ako ng precription na ibibigay for additional 90 tablets.


HINDI AKO BINIGYAN ng pharmacy kasi maghihintay na nanam daw ako ng 45 days dahil narefill na ang aking prescrption. Palagay ko ayaw lang nilang ihabol sa insurance yong additional prescription. Sabi noong babae hindi raw marinig ang boses ko. Pinindot ko ang ilong, hinila ko ang tainga para lakasan ang volume ng boses ko

at sumisigaw akong nagsasalita, ipinapaliawanag sa kanila na dapat noon pa nila ako binigyan dahil prescription yon. HANE.
Pero naawa naman ako sa mga pharmatech. Alam ko naman ang kinikita nila kaya pag pinagsupladaan ko pa sila ay SOBRA NA. Pero meds ko naman yon ANOH.


Minsan-minsan man lang akong magalit at nanginginig ako. Kaya nga insultuhin mo na ako di ako sisigaw, pagalitan mo na ako at apihin mo na ako at hindi ako sasagot. PERO KUKUNIN KO naman ang aking karayom. hehehe


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment