Earthquake and Fire Drills
Dear insansapinas,
Uber prepared ang East Coast sa Hurricane Irene. Sabi nila hype kasi walang masyadong victims. Damn if you do, don't if you damn. (Learned ako eh kagaya ni James Soriano) Nilimas pa ng mga consumers ang mga shelves sa groceries ng tubig at mga delata. Sa amin ang naging biktima lang ay ang Magnolia mango flavored ice cream. Natunaw kasi walang power. BURP.
Kasi siguro hindi sanay ang mga tao dito sa earthquake. Sa California, mayroon kaming once or twice a month drill for fire and earthquake. Meron kaming "barangay chairman" sa bawa't floor na siyang nagcocordinate sa "Bakwet".
Pagnarinig mo na yong sound na "THIS IS A ...
DRILL, iwan mo na kahit na anong hawak mo at takbo ka na doon sa lugar kung saan ang "mayor" ay i-aaccount sa mga department heads ang kanilang mga tao. Pagkatapos, balikan na sa opit.
Meron kaming isang empleyadang pagkatapos palang magsabi ng " present" biglang nawawala at pumupunta sa Macy's .Dalang bloke lang naman kasi ang layo sa amin. Hindi niya alam naespiyahan siya. Tanggal.
Meron pang isang empleyada na madalas umeskapo pag fire at earhquake drills, ganoon din ang gawi. Hindi lang sa Macy's kung hindi sa iba ring departmen store.Ang Macy's nga hindi mababankrupt dahil sa mga empleyadong dumadaan doon. Minsan nakita niya ako sa Macy's din. Hehejeje. Hindi ako naglalakwatsa. Bumibili ako ng regalo para sa Big Boss. Siyempre, gusto nila ang taste ko kaya ako ang nautusang bumili.(Binola pa ako ng mga diyaske).
Nakita ako ng lakwatsera. Aha, akala niya nahuli niya ako. Pinagkalat niya sa opisina (subtle lang naman ang gawa niya dahil matatanong bakit niya ako nakita). So kaibigan daw niya ang nakakita. Palagi na niya akong sinisiraan. Sa akin siya nagsasubmit ng mga donations thru mail. O sige, minsan nawawala ang isang bungkos na checks. Lagot siya ngayon. Talsik siya.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment