Dear insansapinas,
I was too tired yesterday that I went to bed after dinner. I had a doctor's appointment and I arranged for a ride a week ahead. Gusto ko sana magic carpet. Malayo kasi at out of the way ang medical center. Pero cheneck ko na nakainom na ako ng gamot sa puso. Alam ko maaagitate na naman ako paghintay. Hindi dahil late sila kung hindi dahil pare-pareho na lang ang reason--na nawala sila.
Ten minutes na ang nakaraan sa appointed time for pick-up, wala pa. Tapos dumating. Reklamo. Sabi niya pinuntahan daw niya ako sa X street. Sabi ko that's not the street, that is just a cross street. Roll eyes. Oops nakilala ko ang driver. Siya yong babae na iniligaw din ako two years ago. Tapos bago ako binalikan pauwi, nagshopping muna sa SEARS. Buti na lang, hindi lang meds sa puso ang gamit ko pati sa high blood. 150/80. Anyway, hindi ako mahilig makipagespadahan ng dila sa isang tao na ang utak ay nasa paa, na nang ipinagpag ay nahulog. Hindi ako nantutuya ha. Hindi ko ugali yan. Hobby ko lang. ehek
Nagdrive na siya. Ibang direksiyon. Sabi ko, this is not going to my doctor. Sabi niya, meron daw siyang pasyenteng pipick-upin na papunta rin doon. Nakalimutan lang niya. O anong sinabi ko sainyo? So libot kami. Dumaan kami sa Wendy's, sa KFC, sa Chili's at sa Burger King. Lahat fastfood. Niloloko ba ako nito o gutom lang? Kasi ang pasyente, pinipick-up lang sa bahay at inihahatid din sa bahay. Twenty minutes bago appointment ko, Malelate ako nito. Dito pa naman may mga doctor na kakanselahin ang appointment mo pag huli ka. Sus.
Panibagong libot, wala kaming nakitang pasyente. Siyempre, hindi residential yon. Sige, drive na siya papunta sa doctor ko. May tawag ang dispatcher, tumawag daw ang anak ng pasyente, ang tagal na naghihintay sa bahay nila. Eh time ko na yon ah. Balik ulit kami. Fifteen minutes bago ang aking appointment. Nakita nga namin. May village sa likod ng mga fastfoods na yon. Ang laki ng street sign. Hindi niya nakita.
Ten minutes na lang ang natira bago ang appointment ko. Bigla siyang buwelta. Nasa wrong road kami. Aatakehin ako, ANO BA?
May magagaling naman silang driver at on time pa, bakit yon ang pinadadala sa akin. Hmph. Siguro dahil maingat siya magdrive. Sa kaingatan, para kaming pagong sa bagal. Tseh.
Late ako ng five minutes. Bwiset.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment