Dear insansapinas,
Kung pinagpatuloy ko pala ang aking ala Rene Mariano na profession, magiging milyonaryo rin ako. Ohohoy. Pero hindi ako naniningil at ginawa ko lang hobby na inihinto ko kasi naabala ako sa aking bread and mantekilya na may asukal (kaya naging diabetic eh). Bago tayo pumunta mismo sa balita, let me tell you a story na hindi lang Pinoy ang nahohooked sa fortune tellers. Pati mga Puti rin, Marami ngang naloloko. Ang kaibahan lang sa atin, ginagawa nating SHRINK ang manghuhula pag may problema tayo. Hingahan ng sama ng loob, tanong sa pagtataksil at tanong para sa kinabukasan, Mura pa. Sa Quiapo. Huwag lang doon sa mga self-styled psychic of the stars and celebrities.
Dito sa Stares, merong pumunta sa aking mag-asawa; pinay ang babae at puti ang lalaki. Nakulam daw si Mister, sabi ng isang psychic na gypsy. Parang second opinion sa akin. Nanonood pa naman ako ng rerun ng BEWITCHED. Hinihingan sila ng maraming pera para gumaling.
Ang alam ko meron talagang phase sa buhay ng lalaki, lalo na yong tumatanda na na dumadaan doon. Dalawang kaibigan ko na ang asawa ay parehong Puti ang ganoon din ang experience. Payo ko maghintay siya, lilipas din.
Meron namang babae na over 50 na pero talaga namang kuntodo pagpapaganda. Anong sakit doon? Yon ang extended midlife crisis ng babae. Yong maglalagay ng ribbon, magsusuot ng mga out-of this world na damit para batang tingnan. Ang problema iniisip niyang buntis siya eh wala na naman siyang buwanang dalaw. Nagpapahormone therapy daw siya para lalong magmukha siyang bata. Binigyan ko ng dollar at pinabili ko ng TWix chocolate. Gutom lang yan. Kulang sa sugar. ILUSYONADA.
Pero meron ding mga scamero diyan sa Pinas na mga manghuhula. Kung anu-ano ang hihingin saiyo. Kagaya ng pamilya ng aking kaklase noon. Mga pagkaing ihahanda raw sa mga spirits sa bahay nila para di sila guluhin. Dasal lang ang kailangan doon.
Kaibigan ko naman hiningan ng pansabong na Texas, Yong psychic ang bibili,susunugin niya at ibibigay niya sa kaibigan ko yong abo. Malay mo kung Texas yon, Hmmm.
Ako noong kukuha ng Board Exam, nagpahula din. Doon ba sa napakaganda ang opisina, airconditioned pa at ang mahal ng singil. Sabi niya, kalahati lang daw ang chance kong pumasa. Kung babayaran ko raw siya mg ten pesos a day o 300 pesos a month mula sa pagrereview ko at lumabas ang resulta, tiyak daw akong papasa. ANO BALIW?
Mas bilib pa ako doon sa manghuhula ko na nakatira sa isang squatter area. Six pesos lang ang singil noon pero 90 per cent naman correct. Wala siyang pinag-aralan kaya kung minsan wala siyang tact pero okay naman.
Federal prosecutors are predicting lengthy jail time for a group of South Florida fortune tellers and spiritual advisers who were arrested for bilking customers out of over $40 million, according to an indictment released Tuesday.
Ten Fort Lauderdale "psychic readers" are facing charges of mail fraud, wife fraud, conspiracy to commit mail fraud and wire fraud and money laundering conspiracy in the 61-count indictment following a multi-agency, multi-state investigation dubbed "Operation Crystal Ball."Cry
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment