Christopher Lao a victim of 'social media excess'
08/05/2011 | 06:47 PM
Ito ang video ng kotse.
Ito ang balita:
Christopher Lao, the driver battered by insults from netizens after being seen on television driving his car through a flood, is a victim of “social media excess," a media watchdog said Friday.Humingi ng apology si Lao para matapos na lang bullying.
"What happened to Lao is an issue of social media excess more than it is of journalism ethics," the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) said in a statement.
Mabuti na lang at wala pa noong Facebook at Youtube nang ang aking kotse ay lumubog din sa baha. Walang nakapagsabi rin noon na malalim ang tubig kahit may nasasalubong kaming tao na babalaan man lang kami.
Dalawa kasi ang route na pwede naming kunin. Yong isa ay talagang bahain at yong ikalawa na siyang pinili namin ay hindi. Nagkataon pa lang nagoverflow ang creek dahil minsan ginagawang pagkakakakitaan ng mga tambay ang mga magsalaksak ng basura sa mga drainage para lalong bumaha at pag may humintong sasakyan, kikita sila pagtulak. AMININ.
Kapag nakaranas ka na na lumutang ang kotse sa baha kung saan makakaramdam ka ng takot na ikaw ay maanod, ng pag-iisip ng malaking gastusin dahil sa masisirang makina ng sasakyan, may karapatan kang magalit not unless may HALO ka sa ulo o ikaw ay may lugar na sa paraiso.
Sa akin ang emosyon ay panic, calm ( pinagdasal kong magkaroon ng pakpak ang aking korse) at gratitude na nakaligtas kami. Pero huwag mo akong babatiin ng mga panahong yaon dahil baka lumabas ang aking pangil. Twelve hours kaming stranded noon sa Baclaran, sa traffic at baha, buti at hindi bumigay ang aking kotse kahit naka-airconditoned dahil takot kami sa mga gumagalang mga holdupper na nagsasamantala ng traffic.
Himala ng mga himala, hindi naman nasira ang sasakyan ko at WALA NAMANG PHOTOGRAPHER na nakakuha na naging DANGKA (Banca) ang aking kotse.
Blooper and Apology
Correct me if I am wrong pero pagnagsearch ka ng pangalan sa database, di ba lalabas ang mga pangalan kahit yon ay wrong spelling, kasi merong sistema na ang sound ang ginagamit katulad ng ARR at AR.
Pakipulot nga ang aking common sense dahil hindi ko maisip kung paanong hindi nila nakita ang pangalan ng dating
First Gentleman sa manifest na umalis patungong Hong Kong. Incompetence ba ito o excitement na makakuha pa ng putik na ibabato sa mga taong nasa wang wang trial. Ayan biglang nakapag-apologize tuloy si Sec. De Lima.
Parang yong PPP. Posthumous Presidential Pardon, yong patay na ang prisonero bago nabigyan ng pardon? Pero walang nag-apologize doon. In fact ipinagtanggol pa. Sus.
- Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima apologized on Friday to former First Gentleman Jose Miguel "Mike" Arroyo over the Bureau of Immigration's (BI) spelling error that resulted in the agency's failure to find him in its records.The bureau told de Lima Thursday that it has no record of Arroyo leaving for Hong Kong.
It left the DOJ chief wondering if the husband of former President Gloria Macapagal-Arroyo used a chartered plane to leave the country.
Pinaysaamerika
sus ko, ano ba naman itong administrasyon na ito?
ReplyDelete-biyay
akala ng kaibigan ko pagnasa gobyerno, magagaling. Sabi ko hindi lahat. karamihan nga mga walang laman, may mga padrino lang. marami akong kakilalang ganiyan.
ReplyDeletewala na mam,talagang wala nakong balita sa mga kapaligiran.
ReplyDeletesa FB pasilip silip nakakasilip naman pero sa mga news sites nahihirapan ako makapasok,ang proxy kasi na gamit ko e pang FB lang argh...
~lee
ganoon pa rin ang balita, habulan ng mga kalaban sa pulitika, baha, bagyo, mga artistang nagpapablind item para lang pag-usapan. sey.
ReplyDelete