Dear insansapinas,
Got interested in this article Modus operandi of the most common crimes in the Metro Manila, Philippines via Resty .
Read the descriptions of the common crimes and be warned.
There are other crimes which victimized househelps, stay-at-homes or beauty parlor operators.
Sadly, isa ako doon sa mga tangang muntik ng maging biktima. It was a semestral break and I stayed home to finish a lot of financial statements. One of my household secretaries was in the garageslashpatioslashcoveredgarden. She was talking to a woman with a small bag of jewelries, mostly broken or orphans. The woman was convincing her to sell her antique earrings. When I came out, she asked me if I have broken jewelries. She was buying old and battered jewelries. (tira-tirahan na ng panahon). Yong iba may plaster na at may cast. mwehehe.
I remember I have a set of earrings who needed to be repaired. I took them out. She got one piece and rub it with a wet cloth.. It turned black. Para bang peke ang jewelry. Sabi niya, napeke kayo nito. Tingnan ninyo nangitim. Gold plated lang. Parang gusto kong kumanta ng TUBOG SA GINTO (may kanta bang ganoon?)
Pero sabi niya, bilhin ko na rin sainyo. Patutubog ko lang at ipagbibili ko. Magkano mo bibilhin, taas ang kilay ko. Sampung piso. Mwahahaha.
Hindi ako naniniwala sa kaniya kasi ang earrings na iyon ay binili ko sa isang sikat na jewelry store na sa katagalan nga ay nabali ang clasp. Kailangan ko lang dalhin yon doon para ipaayos, pero katamad ko eh.
Sabi ko sa kaniya, (halata kong manloloko eh), souvenir ko na lang sa katangahan ko. Tumawad pa. 12 pesos daw. mweheheh.
Pagkaalis niya, pinunasan ko ng jewelry cleaner ang aking hikaw, ayun lumabas ulit ang kinang.
Naging biktima din ako ng ipit gang sa bus. Nabawi ko yong aking wallet. Sabi sa akin ng aking mother, pinagtiyagaan ko pa raw bawiin paghabol doon sa kumuha, eh ilang pesoses lang ang laman. Eh kung sinaksak ako ng mga yon? Ginawa ko kasi yong wallet na yon sa aming Home Econanay.
Kung inaakala ninyo dito sa States ay wala niyan nagkakamali kayo. Sa San Fran marami ang nagbabus doon kasi ginto ang parking at mahal ang bayad sa parking garage.
Minsan ay may nakita akong babaeng nakabukas bahagya ang kaniyang bag. Dalawang itim ang nakatayo sa kabilaan niya. Yong isa ay nakasabit ang jacket sa may bag niya. Pantakip. Binalaan ko siya. Hindi ako pinansin. Pagbaba niya sinundan siya ng dalawa. Kaya pala di ako pinansin, Intsik pala at di nakakaintindi ng English.
Sa mga department stores naman kung mapapansin ninyo ang mga nakasabit na mga damit, jackets at pantalon ay nagaalternate direction ng mga hanger yon ay para hindi nila manakaw ang mga damit sa isang hilahan lang. Marami kasing bigla na lang papasok sa maliliit na department stores at biglang susunggaban ang mga nakasabit /nakahanger na mga damit lalo na yong mga jackets, sabay takbo.
Pag pumasok ka sa toilet sa mall, huwag mong isasabit ang bag sa may pinto. Meron kasing sabitan doon. May mga magnanakaw na habang nakaupo ka sa trono ay bigla na lang sisikwatin yon. Better still, huwag kang mag-isang papasok sa toilet na nag-iisa. O kung nag-iisa ka man, silipin ang mga cubicle.
May isa pang modus operandi ang mga babae sa PHL. Nag-uusap yan at magtatanong kung nasaan ang pinakamalapit na pawnshop. May drama sila tungkol sa isasanla. Pag kumagat ka kunwari ipagbibili saiyo ng mura kaysa isanla nila. Pero huwag ka peke yon.
Ang alama kong mga panloloko dito ay ang mga nagpapanggap na kamag-anak ng mga mayayamang pamilya sa Pilipinas, para akiting sumosyo sa negosyo (na wala naman) sa Pilipinas. Karaniwan ang pakilala nila ay mga kamag-anak sila ng mga datu, sultan o mga opisyales na may kapangyarihan.
Ang mga reverse panloloko naman na galing dito ay ang mga umuuwi diyang mga inspirational speakers (kuno) na may dala-dalang concept na dito naman ay di pinapansin. Madalas na bibiktima ay mga gustong masabing kasama sila sa bagong "grupo" na mga naniniwala sa pilosopiyang pag-inanalyze mo ay hindi naman bago.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment