Dear insansapinas,
Pagkatapos ng isang araw at isang gabing ayaw kong tumayo, nagising akong walang internet. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.
Tawag ako sa server namin. Malakas raw ang traffic sa lugar namin kaya walang internet access. Walang pulis? Hmmm if I know. Aga naman. Kasalukuyan pa lang pinapalabas sa TV ang pag-amin ni Weiner na hindi nahack ang kaniyang twitter account. Na nagsinungaling siya. Na siya ang nagpost ng retrato niyang hubad. Hindi pa naman siguro pinag-uusapan sa internet yon. Wala pang alas nuweve, so wala pa sa mga opisina.
Kung di ba naman sano, magpopost lang ng pic niya, nasa background pa yong retrato ng kaniyang pamilya at asawa. Arghhhh. Kongresista pa naman sa New York. Sana man lang sana Pogi. Buti na lang walang batang makakapakinig ng sinabi ko. Sheeeeeeet. Marami ba silang time para sa pakikipag IM sa mga babae?
Paborito kong expression ang S$%&*. Pakiramdam ko mas class kaysa Put#$%^&&&&& na paborito ng aking barkada noon. Nasa College na ako ng naging expression ko yon. Kung hindi pamumugin ako ng holy water ng mother ko at parerecitin ako ng Hail Mary habang nakaluhod sa munggo. Luto nga lang. Ewww.
Siyempre, nang magkatsikiting gubat ako ayaw ko rin silang magswear.
Isang taon ang tsikiting gubat kong babae ng pinapakain ko ng Gerber. Regalo ng ninong niya. Dalawang dosena. Tuwing susubuan ko siya ay napapikit ang kaniyang mata pero sige rin ang nguya ng kaniyang gilagid. Tinikman ko. Yuck. Bakit ko ba pinaparusahan ang aking TG kumain ng ganoon. Para rin daw yon sa kaniya. Tiningnan niya ako ng sinabi ko ang yuck. Sabi niya rin yuck. Tawa ako nang malakas. Ang aking TG, nadagdagan ang vocabulary.
Inabot ko ang mga diyaryo at in-between subo kay tiskiting, nagbabasa ako ng mga headlines. Tapos may nabasa akong balita. Syeeeet. sigaw ko. Ooops ubos na ang Gerber. Tumayo ako para kunin ang gatas sa ref habang binabasa ko ang balita. Syeet, syeet. syeeet.
Syeeet, Ooops, hindi ako nagsabi noon. Syeeet. Umulit ulit. Hinarap ko ang aking tsikiting gubat. Hinintay kong lumabas ang salita para malaman ko kung sa kaniya nga nanggaling. Syeeet. sigaw niya. Mas malakas. Hawak ko ang gatas. Hindi ko mailagay sa kaniyang bibig. Habang paulit-ulit niyang sinasabi ang Syeet ay para pa siyang kinikilig. ANONG GINAWA KO SA AKING TSIKITING GUBAT? TINURUAN KONG MAGMURA?
Inilapag ko ang diyaryo at kinarga ko mula high chair niya. Yumuko siya at inabot ang diyaryo. Sabi niya Syeet. Inilayo ko. Inabot ko sa kaniya yong Gerber. Sabi niya. Yuck. hahaha. So yong diyaryo pala ang Syeeet.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment