Dear insansapinas,
This is a story about my Tsikiting Gubats--The series.
It was Christmas Eve and the helps were busy in the kitchen. So was I.
I taught them how to cook. Ahem.
I may not be a homebody but I know how to cook kung mga boiling lang at prito lang.
I taught them how to cook. Ahem.
I may not be a homebody but I know how to cook kung mga boiling lang at prito lang.
I bought kilos of grapes, when I got by Goldiclocks to pick up the Brazo de Mercedes. It was when I was at home when I realized, kulang pala ang binili ko. Hindi ako nagprovide doon sa mga tinimbang-ka-ngunit-kulang na mga timbangan. May kasama pang langgam ang lanzones. Paano kung obese yong mga langgam. Malaking weight din ang dagdag noon. Tseh. Anyway at least meron kaming mansanas. Kaya lang baka bago alas dose ubos na ang grapes. May mga grape monsters ako sa bahay. Para malaman kong hindi ginagalaw, inilagay ko ito sa gitna ng buffet table. Parang decoration.
So in-between munching crispy deep fried chicken ( tikim lang pero nakakabusog. Burp) cooking pancit and other delicacies, I observed my boy tsikiting gubat kept running around stopping by the buffet table for a few seconds and then back again outside to his playmates.Uhm, baka kinakain na ang grapes. Hindi naman. Nandoon pa rin.
The girl tsikiting gubat was also busy. She was attending to the carolers who came almost 15 minutes apart. Nagrereklamo na pagod na raw siya, kalalabas at kabibigay ng mga barya.
Sabi naman ng kapatid na kontrabida. Kasi naman, ang labo ng mata, Pare-pareho lang naman yong dumarating, pabalikbalik. Minsan apat, minsan tatlo, minsan dalawa,,,parehong grupo lang naman. Bago magkagiyera mundial, pinagbihis ko na sila.
We went to the midnight mass and when we came home, I decided that we eat first before opening the gifts.
Pumitas muna ako ng grape sa bungkos na nakadekorasyon. Ayaw maalis. Itinaas ko yong buong bungkos. Waaah, peke. Yong life-like na plastic na grapes. NASAAN ANG GRAPES?
Sabi ng pamangkin ko, hindi pa siya kumakain. Wala pa namang kumakain. Wala si boy tsikiting gubat. Tinitingnan yong nakuhang regalo ng kaniyang kalaro. Yong regalo niya? Kung di ko pa alam. bago Pasko, binubuksan na niya at binabalot ulit. Tapos pagbukasan na ay kunwari gulat pa siya. Salbahe.
May hinala ako na siya ang kumain ng grapes. Palusot nang sinita ko. "Pero Mommy, sabi kasi ng mga Intsik, kailangan daw kumain ng pitong grapes para suwertihin sa bagong taon, Kumain ako ng mas marami para maraming swerti. " Palagi siyang may rason.
Sabi ko naman, "Hindi pa naman Bagong Taon. At paano mo naubos ang maraming grapes na yon? Bakit pinalitan mo ng plastic?"
"Kasi baka pag nalaman mong wala ng grapes, sumirena ka, mapurnada pa yong aking regalo. Hindi lang naman ako ang kumain. Pati si (tinuro yong kapatid niya). Pag kakuha ko, kuha din siya. Ingos naman si girl tsikiting gubat. " Naku ha, hindi ako kumakain ng grapes. Yong mansanas ang kinain ko. Ooops." Chineck ko ang mansanas kung plastic din. Hindi naman.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment