Monday, June 20, 2011

The Victims of Facebook

Dear insansapinas,


Millions of facebookers from the US closed their accounts while more than 100 k in UK logged off permanently from Facebook. Privacy scare and boredom were the reasons cited.


In the Philippines there were two victims in a span of less than a week by the persons they met thru the social networking. 


First it was Ricky Rivero, the director/actor who nearly lost his life to a  man he just  met for a few months and now it is a 41 year old call center human resources specialist.The weapons used were knives. Kung baril nga naman, maririnig ng kapitbahay not unless meron silang silencer. Pinagkakainteresan lang naman ay ang lap top.


Here is an excerpt of the news:
Halos gumuho ang mundo ni Aling Norma Dominguez nang makita sa kabaong ang anak na si Malou Dominguez-Laquindanum, human resource specialist ng isang call center sa Maynila.Duguan at nakatali ang mga kamay nang madiskubre si Malou sa boarding house sa Mandaluyong pasado alas-11 ng gabi noong Sabado. Dalawampu’t apat na saksak sa katawan ang pumatay sa biktima.
Sa status message niya, pasado alas-5 ng Sabado, naghahanda umano siya ng hapunan para sa boyfriend na si "Rafi " at sa mga kaklase nito. Alas-6:23 ng gabi ng Sabado, nabanggit niya ang pagdating ni Rafi. Tumugma naman ito sa kwento ng mga kapitbahay ni Malou.
"Alam ko, two weeks lang more or less, or although baka may prior nag-usap na sila sa chat," ani Eman.

Nangyari na ang hindi dapat mangyari pero doon sa mga gumagamit pa ng Facebook, mag-ingat.



Kahit sa sariling bahay ay hindi safe. Karaniwang payo ng mga matchmaking companies ay makipagkita sa mataong lugar, sa mall o kaya restaurant. 

Paano naman kung ihahatid? 

Sana maging leksiyon itong naganap sa mga biktima. 

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment