Dear insansapinas,
Nagpa MRI ako according to the request ng aking doctor. Ang aga ko sa ospital. Past 6:00 am pa lang. Seven ang appointment ko. Wala pang mga pasyente.
Lalaki ang technician. Bakit di sila marunong maghanap ng ugat? Kailangan kasing lagyan ako ng IV para sa dye. Parang dyu-dyubosin ang loob ko. Hindi kagaya ng mga isdang pinagbibili sa Paranaque na dyinodyubos para magmukhang fresh. Noh.
Tinuro ko na sa kaniya kung saan niya ako tutusukin para sandali lang (sa dami ko ba naman ng tusok, kulang na lang suotan mo ng sinulid ang mga tusok at ako ay parang BURDADO na tseh) hindi ko pa ba naman alam kung alin ang may malaking ugat? Marami kasi akong blue veins kasi Royal blue blood ako. hehehe. Tinuloy pa rin ang ginawa niya.NIIISNAB AKO. Lumubo ang aking skin. Ibig sabihin noon, walang ugat na natumbok.Inilagay na niya ako sa MRI. Ikinabit ako doon sa dye. ARAY. Gusto kong manampal. Namamaga na ang aking kamay na may IV needle. Tinanong pa ako...Does it hurt. Yes, it does. Kung hindi nga lang ako nakaharness, binugbog ko na siya. (Just kidding, hwhwhw), So, pinalitan niya ang IV needle ko. Doon niya na itinusok sa itinuro ko.
Hinanap ko yong ear phone ko. May music kasi yon para ikaw ay maaliw habang tinotosta ka sa loob. Tanong niya sa akin kung anong music gusto ko. Gusto ko sanang magrequest, I am Bad, Billie Jean at Smooth Criminal ni Michael Jackson. Makapagmoonwalk tuloy ako sa loob. Hindi rin niya ako nilagyan ng takip sa mata. Dapat mayroon dahil paglabas ko sa MRI, ang liwanag ng mga bulbs na sasalubong sa akin. O eh kung mapagkamalan kong mga spotlights at bigla akong magpa flying kiss sa aking mga tagahanga. Toinkk.
Sa totoo lang Virginia, claustrophobic ako. Simula na ang HOLD YOUR BREATH/ BREATHE sequence.
Tapos ang tagal wala, Alam naman ninyo ang aking imagination, masyadong rich. May nabalita kasi noon na isang pasyente, naiwan sa loob ng machine at ng ospital nang umuwi na ang mga personnel. May sakit yatang kalimot yong technician.
Noong wala akong narinig na Command, sigaw ako. HELLOW, Is anybody home. Baka lumabas yon ah. Baka may nakatagpong kaibigan at nagtsismisan. At least noong first ko doon, dalawa ang techies na nasa loob. Ito, tatlo pero may kaniya-kaniya silang station. Isa lang ang NAGTOTOSTA saiyo.
Pag nasa loob ka tungki lang ilong ang nakapagitan saiyo at ang wall ng loob ng machine. Sus, laking takot ko talaga.
Dahil meron namang bus sa ospital na dadaan sa aming bahay, nagpaiwan na ako sa aking brother na papasok sa trabaho. I can manage.
Ang problema, hilo pa ako at di ko napansin at di ko alam na may bus pala doong iba ang destination. Dati kasi either ihatid ako ng aking kapatid ko o tumatawag ako ng service.
Isang oras na hindi pa kami nakakarating sa aming lugar. Bakit marami kaming kasabay na SIGHTSEEING TOURS? NAWAWALA AKO. Tingin ako sa labas. Wala bang radio na pwede akong manawagan na ako ay nawawala?Yong bang Ka Pepe, sunduin mo ako dito sa istasyon at ako ay nawawala. yuk yuk yuk
Lumapit ako sa driver. Tatlo lang naman kaming pasahero. Oo Virginia, lugi ang bus sa ibang linya dito pero pinatatakbo nila ng gobyerno para serbisyo. Ang lakas pa ng aircon.
Sabi ng driver, pag-ikot daw niya, Pagdating ko sa bahay, pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman ako sa bus. Kaya ploink.Mahihiga na sana ako pero palabas ang rerun ng Candid Camera kaya tinukuran ko muna ang mata ko. ZZZZZZZ
Kaya mahigit na walang oras akong tulog pagdating ko sa bahay. Akala ko nga breakfast na paggising ko.
Sa totoo lang, apektado ako sa balitang namatay si Jo Ramos sa lung cancer. Nadepressed na naman ako. Low profile lang siya hindi kagaya ng mga anak ng mga sikat and powerful. Para ko nang narinig ang sinabi ng doctor na she had only certain months to live. Parang yong doctor ko na nagsabi ng binigyan niya ng 6 months yong isa niyang pasyente, hindi na umabot. Meron namang binigyan ng six months, ayon nagjajogging pa.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment