Dear insansapinas,
Bata pa si tsikiting gubat noon. Hindi pa nag-aaral. Nagsimula na akong magturo. Natanggap ako nang ako ay mag-apply at mismong Presidente ang nagrekomenda sa akin para magmasters. Mabait ang kaniyang executive secretary. Mabait din daw ang mukha ko. Ahem. Parang di makabasag ng palayok. yuk yuk yuk.
Kailangan kong maghanap ng matitirhan na malapit sa trabaho para madali akong makauwi, Isang yaya lang ang kasama ni Tsikiting gubat.
Tamang-tama naman ay nagtanan ang kaklase ko sa college at iniwanan ang kaniyang nakakatandang kapatid sa malaking bahay nila na nag-iisa. Inalok ako ng kapatid niya na doon na lang ako mangupahan. Hige. Galit siya sa kapatid niya. Nag-asawa ng hindi tapos ng high school at isa pa nga ay hindi natanggap magturo sa universidad nainaplayan namin ng sabay.
Dahil dito ay medyo naghirap siya. Madalas siya sa bahay para humingi ng tulong sa kaniang kapatid. Minsan pinatawag ako ng executove secretary ng Presidente. Tinanong ako kung kaibigan ko si_______. Sabi ko oo naman kasi inirekomenda ko pa siya sa pinasukan ko noon. Pinakita niya sa akin ang sulat ng paninira ng aking kaibigan. Inggit. Minsan dumalaw silang ma-asawa. Pag-alis nila may sunog ng sigarilyo ang aking couch. Evil.
Isang gabi ay may mga lalaking pumasok sa bahay. Nakilala ko na mga kamag-anak nila. Pinagsisira ang mga kagamitan ko. Walang ginawa ang matanda. Sabi niya kasi suwerte ng kapatid niya kinuha ko. Huh?
Nang tangka nilang manakit, kinuha ko ang itak sa aming kusina at para akong si Diegong Tabak na nagsisigaw. O di pulasan sila. Kinabukasan, dinala ko sa barangay captain ang kaso at itinuloy ko rin sa korte. Talo sila. Naacquit lang yong matanda dahil sa edad.
Lumipat ako ng bahay sa labas ng siyudad. Isang compound yan na may gate. Ang anak ng may-ari ay maghapon sa bahay na parang sikyu. Matandang dalaga kasi.
Naging manika niya si Tsikiting Gubat. Madaldal kasi. Breakfast pa lang, hihiramin na niya. Tuwang tuwa naman ang yaya dahil marami siyang nagagawa. Habang ako naman ay panay ang "raket" kahit Linggo. Naghahanda na kasi ako sa pag-aaral ng mga tsikitings.
Minsan ay kumakain ako nang nagkwuento si TG. Hindi ko sila binibaby talk kaya matatas silang magsalita.
" Kumatok yong babae. Bukas yong pinto. Tapos biglang sigaw. Walangya ka. Mang-aagaw. Tapos sabunutan."
"Tawag ko yaya niya. Anong teleserye na naman ang pinanoood ninyo? Di ba natutulog yan paghapon?"
"Naku ate, hindi teleserye ang kinukwento niya.Yong kapaitbahay natin. Sinugod noong tunay na asawa."
"Bakit hindi ba siya ang tunay? "
Nakita ko si TG nanonood na ng cartoon.
Kinabukasan, nag good morning ako sa kapitbahay. May pasa siya.
Tanong ni TG. "Nadapa ka Tita? Yinugyog ko ang kaniyang kamay. *heh*
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment