Dear insansapinas,
Updated:
Karugtong ito ng una, Siyempre, may una, meron ding pangalawa. roll eyes.
Definition of terms:
Ang corruption, mga kabarangay ay hindi lang ang pagtanggap ng bribery. Kasama rin dito ang pilferage, extortion, fraud, NEPOTISM, theft, embezzlement and`falsification of records.
Graft and Corruption sa Department of Health
Ngayong taon ay itinanggi ng Dept of Health na may mga ghost employees sila. Mga nagmumulto, tumatanggap ng suweldo pero hindi naman pumapasok. Sabagay lahat naman ng sangay ng gobyerno mayroong multo.Hindi ka ba naman papayag magmulto kung kalahati ng sweldo ay ibibigay saiyo at kalahati ay pinaghahati-hatian ng mga buwakanng mga may hawak sa personnel services. Hindi ka naman papsok o kaya pag pumasok ka man ay para lang magbundy clock. Aba kahit hindi ka nurse puwede ka nilang ilagay sa payroll. Bakit nagco0cause ito ng poverty? Kasi yong talagang mga gustong magtrabaho, hindi makatrabaho, dahil puno ang plantilla ng multo. Sa isang tingin lang ba ng Secretary at sa tanung-tanong, malalaman na nga niya pag may "nagmumulto" o wala.
Ang mga supplies (wala na ring manakaw o maiuwi ng bahay dahil wala na, not unless bagong order) ang malakas magpalugi sa ospital.
Kaya dito lahat ng mga supplies na kinukuha ng mga narses, doctor at iba pang personnel ay nakalista. Pag chineck nila alam kung sino ang kumuha ng supplies sa storage. Sa PHL, meron ba niyan?
Minsan kailangang maospital ako at pinalamalapit yong government hospital. Tinanggihan ako. Wala raw silang karayom Gusto ko tuloy umuwi at kunin ko yong karayum sa aking Sewing kit. Tseh.
Eh yong manganganak, tinatanggihan nila. Pag napasa ba ang RH Bill, pwede na nilang tanggapin ang mga buntis na walang pandown payment sa private hospital. Ano kanyo sa government hospital? Nakarating na ba kayo sa isang ospital sa may Sampaloc ba yon? Nakunan ang aking kaibigan ay iyon ang pinakamalapit. Dinalaw namin. Sus Ginoo, sa isang katre,tatlo silang nagwewrestling para hindi mahulog. Tatlo sa isang bed. Sa akin hindi pwede yon, pag natulog ako, para akong si Bruce Lee. Yaaah. hulog katabi ko. Toinkk.
Pero may mga ospital, huwag mong isnabin ang gaganda ng machine na binili. Wala namang gumagamit dahil hindi naman kailangan. Sayang lang kasi ang commission. At baka katapusan na ng FISCAL YEAR, kailangan magastos na ang lahat na nasa budget. Whoah.
Ngayon, pag napasa ang RH Bill na magbibigay ng budget appropriations para bumili ng mga contraceptives at condoms, anong garantiya na ang libreng contraceptives ay makakaabot sa mga mahihirap? at hindi mauuwi sa sari-sari store ng isang kamag-anak na may connection sa DOH? Kung pati nga sample sa doctor pinagbibili eh.
Hala kayo pag gumamit kayo ng pills at hindi kayo regular uminom, magiging fertile din kayo, Ang anak ng kaibigan ko ay muntik ng pangalang PIL dahil nabuntis siya. Dalawang beses yatang nakalimutang uminom. Ang tawag ko sa baa Kalimot. O baka sabihan naman ako ng child abuse. mwheheh Kaya nga dito, may mga once a month na pill. Meron pa ngayon na patch na lang kaya asahan ninyo ang darating sa Pilipinas ay yong malapit na nilang iphase out o kaya mawawala na ang kanilang Patents.
Department of Education
Pakitanong nga kung ano ang ginagawa nila sa mga nabubulok na mga libro?
Ang pinakamahal na noodle ay matatagpuan din sa Department of Education. Overprice na hindi mo pa alam kung naidstribute na nga.
Inalis na ito ng DepED. Inilipat sa DSWD. Baka naman doon na naman mag-overprice.
Dati may bigas na ibinibigay sa mga batang kasama sa listahan. Inalis na rin ito at inilipat sa DSWD.
LTO
Naiimbestigahan ngayon ang LTO Chief. Malakihan ito. Hindi pa kasama dito ang mga kotong sa highway at ang mga pekeng franchise na ibinibigay sa mga may-ari ng sasakyan na pambiyahe,
Nandiyan pa ba ang mga fixers. Ako talagang kumuha ng exam at di ko binili ang aking license sa Cavite. Hindi naman peke pero saan napupunta ang perang ibinayad.
Dito talagang magpawis ka para makakuha ng license. Lahat yata ng santo, natawag ko noong ipinagdrive ako sa Streets of San Francisco.
Marami pa ito kaya lang inaantok na ako. ZZZZZZ.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment