Monday, May 30, 2011

Warped Conscience- Sa loob at labas ng bayan kong sawi

Dear insansapinas,


Kung pwede lang magwish ang mga NBP officials na umulan sana ng mga magnanakaw at mga kriminal, marahil magtitirik sila ng maraming kandila.


Ito ang kasong mga magnanakaw, ninakawan ng mga kapwa magnanakaw. Bakit kanyo.
Aba eh, biruin mo ba naman sa allowance na fifty pesoses sa isang araw kada isang prisonero, may cut na five pesos ang mga opisyales. Kung may 40,000 na bilanggo, ang kahulugan nito ay kickback na Php 200,000 a day o 6,000,000 a month. Paano kaya nila napapakain sa pamilya nila ang perang parang hinalbot nila sa mga prisonero. Sabi nga nila ang pagkain ng mga bilangguan ay di makain ng mga baboy pero ang mga baboy nakakain nila. 


Leviste


Ang ex ni Senator Loren Legarda ay naging gobernador noon sa Batangas. Kaya alam niya ang batas pero sumusobra na siya ha. "Tumatakas" na nga siya, nagsasama pa ng dalawang kapwa bilanggo bilang alalay. Sobra naman ang kapal ng kunsyensiya niya.


Si Diokno naman ay nagresign na pero baka raw bigyan pa ng puwesto ni Pnoy. Sabi nga eh, heads will roll not down but to a different direction. Para bang ibinaling lang sa kaliwa. Ohoy.


No Smoking Law


Noon pa palang 2003 na ipasa ang No Smoking Law in public places pero hindi isinasakatuparan. Bakit? Dahil ba halos lahat ng legislators naninigarilyo? Si Escudero ang labo ng sinasabi niya tungkol sa right ng smokers.Ano raw? Igalang daw ang espasyo? Bakit pa ipinasa ang batas na ito kung babanggitin din ang right ng smokers to smoke. Public places, di mga sasakyan, sinehan, restaurant at opisina. Acshually dapat ang mga smokers na ito bayaran ang mga binubugahan nila ng paglaba ng damit nila (amoy sigarilyo) at shampoo sa buhok.


Lawyers



Ratko Mladic's lawyer has requested a new medical examination for the former Bosnian Serb general, arguing that Mladic is not healthy enough to face charges of genocide at the International Criminal Tribunal for the former Yugoslavia, he said Monday. Walong libo ang pinatay ng criminal na ito, ngayon maysakit siya?


The defense lawyers of Casey Thomas are asking the court to declare mistrial for the reason that many were testifying against their client. The judge dismissed the motion. He said that all these witnesses were presented by the defense team.


Their defense that Caylee Anthony drowned by accident and  Casey Anthony was assisted by her father in burying the two-year old kid won't fly. First, the towing company that towed the car of Casey confirmed the observation of her father that the car smelled of human decomposition. If she was buried right after she drowned, there would be no decomposition and there would be no smell. Besides, they found maggots (the  favorite of forensics in estimating number of days the victim has been dead.


The accusation of sexual abuse by her father which was pointed to be the reason why Casey seemed not affected by the missing of her tot is hard to believe.


In Law and Order, a young daughter of a man who sexually abused her convinced her boyfriend to kill her father and brother. She is afraid that her young daughter who was her father's child with her may also become a victim. She did not even exhibit a characteristic of a sexually abused woman before the death of Caylee. Is the suspect's conscience so warped that she did not bother to live away from her family after she endured the alleged sexual abuse from her dysfunctional family?


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment