Dear insansapinas,
Papunta ako sa ospital ngayon kaya maikli lang ang aking post. Maikli talaga.
May nagtanong sa akin.
Tanong How does a a guardian angel help us?
Sagot: Maraming paraan. Nandiyan ang paggawa ng decision. Kaya nga meron tayong dalawang angel in mind. Isa nasa kanan at isa nasa kabila. Huwag kang mag-expect na mag-aaway sila para iinsist ang kanilang advice. Dahil sa free will, tayo pa rin ang huling gagawa ng decision, right or wrong.
Pero maasahan mo sila kung kailangan mo ng tulong halimbawa wala kang masakyan at hatinggabi na. Wala ng maliligaw na taxi sa lugar na yon.
Ang mother ko at kapatid ko ay galing sa prusisyon ng Naxareno sa Quiapo. Hatinggabi na nang sila ay makauwi. Wala ng tricycle sa Tandang Sora. Nagwish sila na sana may maligaw. Maya-maya ay may dumating na tricycle na nagkuwento na nakahiga na siya pero may makulit na bumubulong sa kaniya na lumabas.
Minsan naman ay nasiraan ang aking kotse sa Roxas Boulevard. Hatinggabi na rin yon dahil galing ako sa isang kasayahan. Wala nang mga dumaraang mga sasakyan ay kung may dumaan man ay hindi sila makakatulong. Bigla may isang dirver ng truck ang lumapit, Kahit takot ako ay pinatingnan ko. Sabi niya ay maari pa ring i-drive ang kotse pagnakastart ang engine pero hindi puwedeng huminto. Sus, ginoo, ang daming dadaanan naming traffic light. Sabi niya, mauuna siya at aalalay.
Inistart ng aking driver. Umistart naman. Drive siya. Wala na yong truck. Ang taksil, iniwanan kami. Ang kataka-taka, lahat ng traffic lights na daanan namin ay green. O di va. Nakarating kami sa bahay na halos hindi ako humihinga, Pinadala ko mekaniko ang kotse kinabukasan.
Tanong: Ang mga psychic ba alam kung kailan sila mamatay?
Sagot: Lahat ng tao, alam nila kung kailan sila mamatay. Hindi ang kanilang brain o consciousness kung hindi ang kanilang spirit. Kaya pag malapit ng mamatay ang tao, meron na siyang mga pahiwatig (premonition). Mapapansin ninyo na malungkot siya o kaya masayang hindi maipaliwanag. Minsan naman ay ginagawa niya ang dating hindi niya ginagawa.
Tanong: Can we refuse to die?
Sagot: Maraming ayaw mamatay lalo na ang maraming attachment sa mundong ito. May mga magulang din o mga asawa na takot iwanan ang pamilya nila. Ang aking FIL ay isa sa mga taong yon, Sinabi niya sa akin na ayaw niyang mamatay at iwanan ang kaniyang asawa.
Pero ito ang nagpapahirap sa mga maysakit o matatanda na. Para silang nakahawak pa sa isang baging para hindi mahulog. Ang iba naman ay takot sa Other Side.
Dito pumapasok ang mga pari o mga marunong makipag-usap sa mga malapit nang mamatay. Bago namatay ang aking FIL, binulungan ko siya na it is okay to go. I am going to take care of S. Nang gabing yon ay namatay siya peacefully.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment