Dear insansapinas,
May nabasa akong blind item tungkol sa parehong popular na celebrities na nageendorse ng isdang hinuli at kinulong sa lata. Kaya raw pinalalabas na sila ay magkasintahan ay dahil lamang sa endorsement na iyon. Taas kilay ko.
Ngayon may balita na birthday na birthday ng female celebrity, ni wala ang sinasabing kasintahan. Walang regalo man lang? Pero another blind item said that he gave another hunk a condo?
Paki-essplain biyay.
Bago yan, isa munang patalastas.
Nagpabili ako ng pancit canton sa Asian store dito. Noong una kong pabili noong brand na yon, malaki pa ang balot. Ngayon paliit ng paliit.
Naalala ko tuloy ang aking subject na Marketing sa Pilipinas Kay Gandah Ko. Ang topic namin ay Truth in Advertising at Pricing para sa 5 Ps of Marketing Mix na sinasabi, Product, Promotion, Price, Place, People.
Ang mga Pinoy ay di concern kung tama ba ang nakukuha nila sa Product kagaya ng pagkakaadvertise dito? Kung 2 grams, 2 grams ba talaga o kulang o mas marami pa ang tubig kaysa sa laman, kagaya halimbawa mga canned foods.
Dito puwedeng idemanda ang manufacturer kung hindi nagtatatama ang claim ng producer/seller sa kanilang advertisement. Kaya nga di ba qinuestion yong baka sa burger at taco kung ilang ba talaga ang naroon o mas marami pa ang ibang ingredients. Ikanga, "where's the beef?" Sa Pilipinas, walang pakialam ang mga tao kung ang kinakain nila ay talagang beef o meat extenders lang. Wala silang pakialam kung ang lalagyan ng kanilang mga pabango, lotion o anupamang pinapahid ay mas malalim pa ang ilalim ng lalagyan kaya ang laman lang sa loob ay kalahati, Wala silang pakialam kung paliit na paliit ang lata ng gatas. Meron pa bang pork ang pork and beans diyan o libag na lang baboy ang nasa lata?
Mas pinaniniwalaan nila ang endorsement ng mga celebrities. Para bang ang mga celebrities ang nagguarantee na maganda at high quality ang productong kanilang pinagduduldulan sa bayan. Sabi pa nila lahat daw iniindorse ng isang sikat na celebrity ay binibili nila. Kahit na yong mga producktong hindi naman nila ginagamit at kinakain dahil alam naman nila ang celebrity na ito, famous brand conscious.
Nang ako ay umalis sa Pilipinas Kay Gandah Ko, ang anak ng asawa ng aking kaibigan (malabo ba? anak sa mistress) ay ginawang model sa commercial sa TV. Kahit na ba anak siya ng dati ring artista, hindi naman pinaalam sa commercial. Virtually unknown sila. Noon nga sa mga commercial na nagfifeature ng mga bagong mukha, nadidiscover ang mga nagiging artista.
Ngayon baligtad. Mga kilalang artista na ang mga nasa commercial as product endorsers.
Oweno, anong pakialam ko. Abah, dahil milyon-milyon ang bayad sa mga celebrities na ito, sa Presyo naman bumabawi ang mga manufacturers. Kasama ito sa costing.
Ang napapansin ko dito sa States, wala halos anak ng mga celebrities na ginagamit ng magulang sa mga product endorsements. May hinahire talaga silang models na binabayaran nila according sa participation at popularity ng product.
Hindi pupuwede yong alibi na kaya nila ginagamit sa product endorsements ay nagpoprovide lang daw sila sa future ng anak nila. Hello, responsibility nila ang mga bata kaya nga hindi sila nag-aanak kung hindi sila handa.
Sa atin mga babies pa lang ineexpose na sa init ng mga kleig lights para lang makunan ng commercial. May nagchecheck kaya kug talaga ngang hindi pinakikialaman ng mga magulang ang kinita ng mga anak nila sa endorsements, Bata pa lang pinagtatrabaho na nila. Talking about child abuse.
Si Gary Coleman (SLN) na popular sa sitcom na different Strokes noong mga nakaraang dekada ay idenemanda ang parents niya sa paghandle sa kaniyang mga kinita noong bata pa siya. Panalo.
Sa Pilipinas Kay Gandah Ko, isang sikat na singer na nagsimula pa ng siya ay bata pa ang balitang nawala lahat ang kaniyang pinaghirapang pera kaya balik showbiz naman siya, Isa ring child star noon na nabalitang ginamit ng kaniyang mga magulang ang kaniyang kinita sa kanilang bisyo.
Ngayon pabata ng pabata ang mga product endorsers. Kung pwede nga lang na paglabas sa nursery magiging endorser na siguro gagawin ng mga mukhang perang mga magulang at mga producers to capitalize on the parents' or baby's popularity.
Pinaysaamerika
mam, kawawa naman yang si Gary Coleman, naexploit na ng magulang naexploit pa ng asawa hayz SLN.
ReplyDeleteyun naman 2 na nagkulong ng isdang tanga sa lata e very obyus naman na di sya ang tyfe ni fafa at ang tyfe ni fafa ay fafa din ahahay.
o diba yung batang si buboy,nagkasakit at na dengue tas yung nanay nanawagan na para bang obligasyon ng industriya na gastusan yung anak...asan yung kinita ng bata?e ang daming raket na linabasan? nilustay nilang magasawa....hayz buhayz.
~lee
Galing sana noon anoh.
ReplyDeleteKaya nga tatanungin ko si biyay kung tyfe pa niya ang fafa picolino na ito. ahahahat.
ok lang sa akin na vienna sausage pala type ng male celebrity. ok lang gamitin nya akong panakip- butas :) basta paminsan-minsan e tatakipan...(hihihi). basta makita ko lang sya araw-araw sa pagtulog at pag-gising ko, masaya na ako. martir!
ReplyDeleteLenten season na biyay, baka magpapako ka pa sa krus niyan. hahaha
ReplyDelete@biyay ahahahahaha
ReplyDelete