Friday, April 15, 2011

It is in the Hair

Dear insansapinas,


My visit to my internal medicine specialist must have drained my energy. I feel like just staying in bed when I got home. 


While waiting for the nurse to call me, a lady sat beside me in the waiting room. Darn, wala akong mabasa. The magazines available for reading are for those people who are interested in the list of the  richest people, (bakit naman ako magkakainterest, wala naman ako doon) economics, elegant houses, cars and sports. Walang entertainment?


UHm amoy ko Filipina. She was fashionista kahit sabihin mong ang bling bling niya ay yong mga 80's pa. Ano bang bling bling ng 80's? Are you Hispanic, tanong sa akin. Wala ako sa mood makipag-usap sana, pero we are the only Filipina in that medical clinic so, sabi ko no. Tuloy ng interview.


Taga Davao raw siya ang she got shoulder issue which prevents her from driving. Ako ano raw ang sakit ko. Sagot ko cancer. Sabi niya, you don't look like you're sick. Sabi ko sa kaniya, sabi rin ng doctor ko yan.Siguro expected niya may black rings around my eyes, walang buhok o kaya ay haggard looking.


Bago ako makasagot, tinawag na ako ng nurse. Saved by the bell. 


Today, I still feel sluggish but I have to go to the hair saloon. Mahaba na ang aking buhok. Makati sa leeg at masyado ang allowance ko sa pagkamataray. 


Kasi naman bakit naman ako nakabasa ako sa chat ng tweet tweet  na ang Jane Doe raw ay pangalan ng cadaver. So ang asawa pala ng Jane Doe na ito ay pangalan John Doe at ang anak nila ay Baby Doe.
Kaninong anak ang Doe a deer a female ....hum hum hum?


Bakit kasama sila sa demanda ng ama ni Jan Jan? At bakit ang mga nagjiJane Doe ay nakalabas pa rin ang pangalan. Parang nagsign ka ng anonymous tapos prinint mo rin ang pangalan mo sa ilalim. Kulang na lang telepono.



Kaya sabi ko nga sainyo, kailangan kong magpaputol ng buhok para mabawasan ang IQ ko at di mapansin ang mga ganitong insidente na wala namang balak magpatawa.


Ang problema, masyadong naiklian ang buhok ko at nakasama yong marami kong IQ. Hindi tuloy ako makapagpost tungkol sa ating mga crime scene investigators na sabi ng kanilang boss ay karamihan walang training sa pag-iimbestiga. Ni hindi nga alam ang bullet trajectory at casings. O pati ang pagretrato. Sana tinawag nila Nick Stokes o kaya si Abbey ng NCSI. toinkk


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment