Tuesday, April 12, 2011

Foster City

Dear insansapinas,


Nosebleed ako kahapon. Hindi Virginia. hindi sa pagbasa at pagdigest ng mga balitang iba-iba ang headline...kagaya ng nagresign ba o pinatalsik, tumaas ba ang collection ng tax o hindi naabot ang target. Talagang nosebleed as in bumubulwak ang dugo sa ilong ko. Wala naman akong pangil sa aking ilong. Siguro change of weather. Dry ang air sa loob ng bahay dahil nakaheater pa pala kami.


Pero nosebleed pa rin ako sa pagkabasa  ng balita tungkol sa sale ng property sa Foster City. May mga memories din ako sa lugar na yon.


Dahilan sa sub-prime mortgage scam a few years ago, nagbagsakan ang value ng real properties sa USA. Katunayan ang bahay na binili ng mag-asawang Ligot (kayo) ay naibenta lang ng mahigit 100,000 (na iyang tinurn-over ng Ambassador sa gobyerno. Binili nila ang bahay ng mahigit $ 500,000.  Bagsak din ang real estate business sa US of Ey. 


Kaya nga ba yong balikbayan na matinee idol na tatay ng isang artista na may inindorse na mga tangang isdang nagkulong sa lata, di makabalik dito sa States dahil wala naman siyang babalikang career. Ang kaniyang dialogue ay nasa dugo lang daw niya ang pag-arte. Charing.


Nang mabasa ko ang balita na ang kinatawan ng mga guwardiyang anak dati ng presidente ay naibenta ang bahay sa ganoon pa ring presyo, uhmmm, hindi ba apektado ang real estate sa Foster City--isa itong affluent na lugar at ang mga bahay ay nagkakahalaga ng isang milyon, pataas.


 Ang aking tsikiting gubat na bumili ng bahay malapit sa Foster City ay natutuliro ngayon dahil binili niya ang bahay ng close to a million (bare), ibig sabihin siya na ang gumastos sa finishing hindi niya maipagbili ang bagong bahay sa same price. Noon kasing panahon na yon ang mga nurses ay pataasan ng ihi. Pag bumili ang isa, bibili rin ang iba. Investment daw. Binola lang sila ng mga real estate agents.  Overpriced ang mga bahay. Hindi ko approBED. Wala kasi sa kultura ko ang makipagpaligsahan sa mga Joneses. Tama na sa akin ang Jones Bridge. Paglaki ng tsikiting gubat, may sarili na silang desisyon. Ang magulang consultant na lang na hindi binabayaran at hindi siunusunod. Minsan ang pera nakakaapekto sa mga taong dati ay humble. Tingnan ninyo si Willing Willie. Hindi ko sinabing humble siya noon. Pero dapat tumahimik na lang siya at pabayaan ang mga professionals at mga lawyers naghandle ng kaso niya. Bakit ba tayo napunta kay Willie ay pinag-uusapan natin ang tax evasion at illegal wealth?
Hindi rin milyonaryo ang aking tsikiting gubat. Ang pagbili dito ng bahay ay utang. Pag cash ang bili mo either kurakot kang pulitiko galing sa third world country o marami kang naitago sa Swiss banks.



Balik tayo sa Foster City kung saan nandoon ang bahay na naipagbili.


Foster City
Ang Foster City ay nasa San Mateo County, California.  Affluent ang lugar at ang mga bahay ay nagkakahalaga ng mahigit isang milyon. May mga 30,000 residents lang doon. Ang mga Pinoy na nandoon ay mga narses na malaki ang kinikita o may negosyo na nagsusuporta sa kanilang lifestyle.


Doon ako bumagsak pagkagaling ko sa Boston at nagdecide na sa California ako titira. Pansamantala lang ang pagtira ko sa aking mga kaibigan habang wala pa akong sariling apartment. Malaki ang bahay kaya lang ang kuwartong ibinigay sa akin ay yong side ng highway kaya maririnig mo ang traffic. Tagagising ko yong ingay na iyon.


Dahil parehong nagtatrabaho ang mag-asawa, meron silang housekkeeper na inisponsor nila ang green card.
Taga gising ko rin yon sa umaga at sa gabi dahil sa lakas ng bunganga. Ang Put$#$%^ niya ay parang kanta lang lumalabas sa kaniyang bunganga. Kalat sa buong bahay pag kausap niya ang kaniyang asawa sa Pilipinas Kay Ganda Koh. hahahaha. Mabait naman kaya lang siya ang wiki sa mga tsismis.. Yon bang kung gusto mong masagap ang lahat ng tsismis, tawagan mo lang siya. Siya yata ang presidente ng assosasyon ng mga housekkeepers sa lugar na iyon. Eh pag weekend, naglilibot kami sa mga garage sale, bitbit niya ang baby, sagap siya ng tsismis sa mga kapwa niya mga housesecretaries. Makikita mo rin siyang umiiyak na nanood ng teleserye.


Pag wala kang sasakyan, mahirap magcommute mula Foster City. Isa kong nakilala na naging kaopisina ko ay Mercedes ang kotse niya. Ang asawa naman niya ay sa Fedex delivery. Delivery man lang may Mercedes? Ang batang asawa ang may-ari ng kotse.Siya naman ang mayaman sa Pilipinas kay Gandah ko. Nabuntis siya ng boy friend na mayaman din, iniwanan siya kaya dinala siya sa USA para manganak ng magulang niya na may sikat na resto sa Pinas at ang ama ay may maliit na mall.
Dahil ako lang ang "mabait" sa kanya sa trabaho, inimbita niya ako sa bahay nila para ipakilala sa kaniyang asawa. Hige.


Namg dumating ako sa bahay, sinalubong ako ng isang matandang lalaki. Kala ko tatay niya. Pero sabi niya itinakwil daw siya ng magulang niya nang pakasal siya sa kaniyang asawa.  Yon pala sa Mister. Hindi lang father image, grandpa's image pa ang kaniyang trip? 


May  nagdoorbell, matanda pa ring lalaki. Akala ko naman, kapatid noong lalaki. Yon pala yon na ang tatay ng babae at biyenan ng matanda ring lalaki. Ang gulo.


Mabait naman ang asawa niya. Inampon ang kaniyang pinagbubuntis at pagkatapos ng isang taon, buntis na naman sa sarili nilang anak. Suwerte ang lalaki lalo na nang patawarin na ang kaibigan ko ng kanitang magulang na milyonaryo sa Pilipinas.

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous12:41 AM

    ...and they live happily ever after.
    my friend ako mam na nung makasama ko sya sa south asia at nagsara yung company nya e syempre nalungkot kami pareho kasi para kaming kambal tuko,dati syang nagtatrabaho sa isang malaking kompanya ng softdrinks sa pinas bilang HR mngr at inoferan sya ng isang malaking kompanya din sa south asia na same post din,kaso di naging successful dun yung company kaya nagsara din at naiwan syang nakanganga.
    since ayaw na nyang umuwi ng pinas at wala naman syang makuhang ganung job na malaki ang sweldo at same post kaya naisip nyang kumuha nalang ng visa pa remika.
    fortunately,mahilig ang lola nyo makipag sosyalan at makipag beso beso sa mga business pipol kaya naipakilala ko sya sa mga aking ka beso beso at nagsimula kaming mag job hunt para sa kanya.
    naswertihan na yung mga kabeso beso ay tumulong din maghanap at nakakita naman.
    to make the story short(mas mahaba pa yung intro nu bayan)
    nagkatrabaho,napunta nako dito at sya naman ang naiwan ko,at nung sa tingin nya e tagilid na sya sa kanyang work dahil nagco cost cutting din yung american stablishment na napasukan nya,ayun naghanap nalang ng matandang fafa,nilakad yung annulment nya(ewan kung anung ground ang ginamit nya)galing sila pareho magasawa sa mayamang pamilya,mestisa at mestiso silang pareho pero ayun ang ipinalit e lolo na nya ejeje,nagkataon na patapos narin yung term ni lolo sa south asia bilang diplomat kaya may i hand carry nalang nya si BFF pauwi ng washington dc.
    at balita ko ayun sales clerk sa banana republic argh!
    ~lee

    ReplyDelete
  2. lee,
    may nameet akong pinay dito na asawa ng Puti na iadvisan akong mag-attend ng sayawan o party kung saan mamimeet daw ang mga matatandang fafa na 'merkano na naghahanap ng asawang pinay. doon niya nakilala ang kaniyang asawa. wafu siya na matanda.

    ayaw ko. hindi ako sosyalera.at hindi ako naghahanap ng asawang puti. hmmm/
    nang malaman niyang napakasal ako kay james bond, pinuntahan niya ako at kinausap na inaalam kung paano ko nasalabid ang dati niyang boss na tinangka rin niyang "hulihin". jajaja .

    ReplyDelete