Sunday, March 20, 2011

Showbiz Lingo and National Association of Bloggers?

Dear insansapinas,
1. Sabi ng isang balikbayan na artista, namimiss daw niya ang showbiz kaya raw siya umuwi. -Translation-
Wala siyang makuhang trabaho sa US kung saan tumakbo siya noong palubog na rin ang popularity niya.


2. Sinusuportahan daw niya ang mga artista ngayon kasi parang pay-it-forward-sinuportahan din siya noong nagsisimula siya. Translation: Wala na siyang makuhang lead role kaya supporting role, pinagtitiyagaan niya.


3. Natatawa daw siya sa tsismis na bading siya- Translation-hindi totoong nagpakasal ako sa matanda para magkapapel. (Merong retrato,oy)


4. Kung sa Pilipinas Kay Ganda Koh ang earthquake at tsunami, makikita mo na naman ang mga celebrities na naumumudmod ng isang plastic na may lamang delata at nakaphotoop habang nreretrato sila ng kanilang publicity agent. PAti ang kanilang foundation na itinayo lamang dahil for tax purposes ay kanilang binanabanggit sa kanilang gimik.


 National Association of Bloggers?
Bakit? Pakialam nila sa binablog ko? Pumapapel na naman ang mga high profile bloggers na akala mo ba utang na loob sa kanila ang pagsamasmahin ang mga bloggers.  Pustahan, pag ang may hindi na elect diyan , may panibagong association naman ang susulpot. Parang bago kayo ng bago sa mga Pinoy na mahilig maggrandstanding. Tapos gagawa sila ng libro at ipagbibili sa mga newbie na bloggers. Kagaya noong una yong bloggers award kuno na pinamimigay ang mga awards dahil mga magkakaibigan sila at ang mga promo ay sa kanila mapunta. Tapos yong ibang blogger na walang objective lang kung hindi magsulat ng gustong isulat ang pakikialaman pa nila. Gusto kasi lahat magkaroon ng clout. Kung may gusto silang . Code of Ethics, gawin nila yon lalo sa mga bloggers na tumatanggap ng freebies kapalit ng write-up ng mga negosyong nagpapromote. Tseh.


Pinaysaamerika

9 comments:

  1. Anonymous3:50 AM

    National Association of Bloggers?asan?my ganun pa ba? wala na nga halos active mag blog (o ako lang ang dina nagbabasa ng mga blogs jejeje)
    nagpapapansin lang mga yan mam,mga laos nat dina napaguusapan,tama ka,paki mo ba sa kanila at wala din silang pakelam sayo,my sarili kang mundo,bumili sila ng sarili nilang mundo mwehehe.
    may pumapatol pa ba sa mga ganyan nila mam?yung mga bago siguro at sila silang friendshiphers
    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous3:58 AM

    ok din magpalusot teheee kala kasi nila madali mabuhay sa remika at basta mt greencard ka lang e license mona para ka makakuha ng trabahong sitting pretty.
    nuna ngyari dun sa sinyota nyang latina na director daw?
    kung nuon nga e wala syang nakuhang lead role,ngayon paba?
    ~lee

    ReplyDelete
  3. ginagaya nila ang mga journalists, eh mga empleyado yon ng mga newspapers, magazines at mga publications. kung ano ang ethics na required sa kanilang profession, dapat silang sumunod.

    Ang mga bloggers ay ibang klaseng "hayup". may kaniya-kaniya silang expertise na pwedeng i-share o kaya
    hobby lang nila ang magsulat. pati domain at web server nila bayad pa drom out of pockets. At bakit mo sila pasasamahin sa association? Wala naman akong makitang mabuti na ipoprovide ng assoc excpet sa mga founders na meron silang mailalagay na naman sa manipis nilang resume na opisyal sila ng isang association kahit hindi naman nagpafunction. ito kasing mga johnny come-lately na mga bloggers, sobrang regard nila sa sarili nila pagkatapos nilang tumira sa ilalim ng bato. Bad ko. :)

    Mageexpress ng opinion, wala pang sarili, nanggagaya lang. Tsus. Wala na ngang masyadong nagbablog. Karamihan mga promotion ng mga electronic gadget, mga vacation places,restos. Worth blogging ba yon?

    ReplyDelete
  4. Lee,
    Hindi Latina yon. Pinay na matandang dalaga at journalist kuno pero sa mga libreng newspaper lang naman nagsusulat. Pag nasa LA ka ang daming racket doon.

    ReplyDelete
  5. Anonymous8:52 AM

    sus ganun ba?wrong information pa nasagap ko eheeeee.

    re bloggers ng mga travel nila,kung anung kinain nila during the travel while using their kodaks + ipad + blackstrawberrie at habang nagpapakodak na naka angkla kay fafa na super duper inlab daw sila sa isat isa at very proud sa anak na burgis at pasyonista daw(sabi ni sisteret mukha daw tindera ng tahong ahoooooy tinampal ko nga,tinalo pa tayo)at ang mga topics ay puro me, moi, ako ang magaling,praise me shower me with compliments ahahayyyyy depuger pagka naman puro ganyan ang makikitat mababasa mo e goodbye palo-palo,magtayo kayo ng sarili nyong asosasyon,si fafa ang dente,si mama ang vise-dente,si anakis na burgis ang siksiktary ahahay libre sampal kaliwat kanan,nasa mood akong pasampal ngayon jejeje
    ~lee

    ReplyDelete
  6. lee,
    at least tayo, inaamin natin ang ating weakness, ang pagiging pintasera. sinasampal naman natin ang ating sarili di va.

    magtatayo din ako ng asosasyon. Asosyayon ng mga Pintasera. ANP.

    ReplyDelete
  7. Anonymous4:28 AM

    mam asahan mo na pag nagtayo ka ng ganyang asosasyon,record breaking sa dami ng mga pintaserat laitera sa mundo bwahaha,pinas pa lang box office hit na,sabihin nilang hindi at sasampalin ko sila bwahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  8. lee,
    totoo yon. dito sa states, maingat silang mamintas, pwede silang idemanda ng discrimination. kagaya pag sinabing mataba ka. idedemanda ka ng moral damages sa loss of sleep, sa pain nainflict mo sa kaniya, sa pagkatusok mo sa kaniyang self-esteem.

    kita mo ang pandak, vertically challenged. ang bingi ay hearing impaired, ang GAGA ay kumakanta. mwahahaha
    diyan ng GAGA nagiging Bokal. ooops.

    ReplyDelete
  9. Anonymous7:16 PM

    ahahahaha ang gaga nagiging bukal,tunay ka dyan mam hahaha.
    dito satin mam ang heaven ng mga pintasera mam hahaha
    ~lee

    ReplyDelete