Dear insansapinas,
Hilo pa rin ako. As usual. Pero pinilit ko nang umuwi. Hindi ako makatulog sa hospital, Maraming "naglalaro" sa akin. Later ang story.
Talking about radiation na 24/7 pinag-uusapan sa CNN, sabi ng kapatid ko, the latest procedure that I underwent
is equivalent to 1,000 radiation therapy treatments. Matuk mo yon Virginia, parang may nuclear reactor pala ako sa aking liver just in case.
Last Wednesday, 6:30 pa lang nasa hospital na kami. Alas siyete, prep na nila ako for the scheduled surgery Ewan ko naman, kung kailan kandahilo ka na sa mg a preparations nila, saka isasampal saiyo ang papel na pipirmahan, na naintindihan mo ang risk ng procedure na yon. OO nga nga.
Pagkatapos akong kunan ng vital signs at kabitan ng mga tentacles ng octopus, sabi ng aking doctors, may dalawa raw akong alternative--ilagay ako sa respirator o kaya ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ.
Nagising ako after 3 hours, same na lugar, Tanong ko sa nurse kung sisimulan na ang procedure. Sabi niya, tapos na raw at nasa recovery room ako waiting to be transported sa private room. Eeeek tapos na?
Tiningnan ko ang abdomen ko. Para akong karne na may benda ng cling- on plastic sa bluish na laman at hindi naitatago ng bandages. Masakit ang aking right shoulder at numbed ang aking right hand. Effect daw ng procedure yon. Uhhm.
Dinala na ako sa aking kuwarto. Four hours akong nakahiga ng walang galaw. Complete bed rest.
Nurses
Una kong nurse ay vertically challenged. O ayan Lee, sinampal ko na ang sarili ko pamimintas. Kasi hindi ko siya nakita, nakatayo pala siya sa left side ko na elevated ang aking bed. Akala ko bata. Aheehek Sampal ulit.
Nakita ko lang smocks niya over her white knitted blouse, Day, akala mo nasa garden ako sa dami ng klaseng bulaklak na nakaprint. Parang pakiramdam ko kung may butterflies at bees don sinugud na siya. Pinakilala niya ang nurse tech. Ang taas naman. Pero ang smocks naman niya ay puno ng butterfly. Nag-usap ba ang dalawang ito?
Dahil bawal sa aking tumayo, sabi nga ni Lorena sa e-mail, pagwewewee, tawag ng nurse. O hige. Binigyan ako ng bedpan. Tapos na ako. Tawag ako sa call light. Isa. wala. Ikalawa, wala. Nagdoze off ako. Wala pa rin. Nang alisin na sa aking poet, pakiramdam ko ba may sumama ng laman. ahehek. Salbahe.
Nalaala ko tuloy nang ipanganak ko ang aking bunsong tsikiting gubat. Caesarian. Tsismis nila kasi balak ko raw ihabol sa birthday ni Vilma Santos. No kayo, maka Nora ako, anoh. Although gusto ko rin si Ate Vi.
Sa totoo lang, madalas kasi akong magtravel noon kaya kailangan scheduled ang delivery. baka manganak ako sa eruplano, mapangalanan ko pang Singapura, PALamunin o GARUDA.
Tamang-tamang nilagyan din ako ng bedpan ng nurse, nang magsidatingan ang bisita ko. So habang nakikipagkuwentuhan ako sa kanila, ako ay nakaupo sa portable na trono. Bwahahaha,
Balik sa kuwento:
May dumating na isa pang staff. Pakilala niya sa akin ay environmental associate or whatever siya. Akala ko magdadala aiya ng mga green plants at maglalandscape siya sa labas ng aking kuwarto na makikita mo sa wall to wall glass ceiling. Yon pala ang politically correct na pangalan ng housekkeeping o janitress. Habang naglilinis siya, palagi niyang iniiwasan ang nahulog na tissue sa makintab na laminated na wood- tiled floor.
May pumasok na lalaki, pakilala naman nya na siya raw ang supervisor na nagchecheck ng mga gawa ng mga environmental whatever para siguruhin yong nga biohazard trash ay properly disposed. Namissed din niya ang tissue paper. Tawagan ko lang daw siya kung may reklamo ako. Nagroll ang aking eyes. Hininto ko lang kasi baka akalain ng nurse nagcoconvulsion ako,
.
Sumunod na dumating ay ang food server. Nanonood kami ng kapatid ko ng balitang news. Bakit ba ang daming experto, analyst at sino-sino pang resource persons, lalo akong nalilito tungkol sa radiation sa Japan? Tseh,
Tinanong ako ng server how was my food daw. Sabi ko naman, it is good, thank you. Pero nakita niya 3/4th noong steak hidi ko naubos. Wala akong mahiram na surgical knife para pirasuhin. Nahihiya naman akong ipaghampasan yon sa aking table. Hindi ko alam kung nagroll eyes ang kapatid ko.
So the next time, tinanong ako, how was my food. Sabi very good especially the fruit salad. Eh canned nga pala yon. Sampal sa sarili ulit.
The Roommate.
Dalawa ang bed sa kuwartong yon. Ang dumating ay parang artista ng mga teleserye sa US network. Hindi siya gumamit ng hospital issued gown pati ang heavy duty skid-proof socks. Pink ang kaniyang gown at pink din ang kaniyang tsinelas. Para siyang si matandang Barbie. Kinalat niya kaagad ang make -up niyang Estee Lauder at mga toiletries sa marbled toilet sink. Sinabit niya ang kaniyang fancy towels sa toilet rack.
Wala siyang makitang toiletries ko. Hindi ako sanay na inilalalabas ang toiletries ko sa banyo kahit sa hotel. Mamaya mainis sa akin ang chambermaid o karoommate sa hospital, gamiting panlinis ng toilet bowl ang aking toothbrush. Ngggi.
Itutuloy
Pinaysamerika
godspeed aling pusa! kayang kaya mo yan, parang eveready (9 lives)
ReplyDeletemaaaaaaam
ReplyDeletenakabalik kana kagad? adik talaga hahahaha nagbakasakali lang ako sumilip e eto kana,buti naman at mukang ok naman ang result, itinitwit twit kita sa twitter e maalala ko dika nag oonline sa twitter ehehe.
dto parin ako maryosep,next weekend pa balik ko sa work,bale naka 2mos ako dio satin? teheee bakasyon grande kaso walang datung kaya di makagala ang madalas hahaha
nilustay ni inay ang kaperahan para daw wala nakong lustayin hahaha (kidding)
nice to see you back mam
lee
marami rami ng mga interesting na balita habang walaka mam (kala mo naman tagal nawala hahaha)
ReplyDeletetagal kana mam di nasilip twit twit
~lee
paulding,
ReplyDeletethank you. ako yata yong rabbit. :)
lee,
ReplyDeletehindi pa nila malalaman ang resulta ngayon. after 3 months pa after MRI.
Dito pinamomove ka kaagad, pinatatayo after makita ang lab test.Tapos i-aasess nila kung pwede kas ng umuwi with the advice na mag-emergency kaagad pag hindi maganda ang pakiramdam pag-uwi.
Ang mga operation naman ay kusang natutunaw at minsan ay di kailangan tahiin. Kahit ang lalaki ng kanilang needles.
Nabobore ako doon. Walang internet . (inamin din) . Hindi pa ako makatulog nang maayos dahil gigisingin ka at gigisingin pag inom ng gamot at pagkuha ng vital signs.Besides ang daming "multo".