Dear insansapinas,
Kararating ko lang kahapon nang nagblog ako. Ayoko lang dumiretsong matulog kahit talagang nagsasara na ang aking mata. Turukan ka ba naman diretsa sa IV ng painkiller. Masakit sa ulo habang hindi mo itinutulog.
Anyway, the procedure was just a means. It is not an end in my quest to make my life more comfortable battling the dreaded C. It eliminated the multiple visits to the clinic for radiation therapy. However, the risk involves the effect in other organs. Gamitan ba naman ng M16 ang mga illegal aliens na yon na nakatira sa liver ko.Baka pati yong kapitbahay madamay.
So noong binisita ako ng aking doctor, the following morning, ang inalam niya kaagad ay kung may masakit. Dahil pag walang masakit, ibig sabihin matibay ang firewall nila. Hindi mapenetrate. Pero sumakit na nga nang ako ay tumayo. Binigyan na ako ng Oxy. para painkiller. Very sympathetic naman yong nurse at nag-attempt siyang i-comfort ako. Pero iniiwasan nga ang ganiyang mga usapan.
I am in the stage of acceptance at kung may magagawa pang maprolong ang buhay, I will welcome it. Vain lang kasi ako. Ayaw kong makalbo. Baka makuha akong kontrabida sa Darna...ang Babaing Kalbo.
Ayoko rin ang maraming visits sa clinic. Ito ang tinatawag ng mga artista na agressive treatment. At least si Michael Douglas, natunaw daw yong tumor sa throat. Ganoong din naman ang mga effects doon sa mga artistang namatay sa cancer. Para kasing Si Mc Arthur yan, babalik at babalik.
Anyway, I got to wait for three months more for the results.
Hindi lang talaga ako makastay sa ospital nang matagal dahil sa mas maraming distractions. Isa pa alam naman ninyo ang aking "curse"-- pagmulat ko ng mata ko, may mga nakita akong mga nakaputi. Di naman sila nurses. Nakatanghod lang sa akin. Siguro, nag-uusisa. Sabi ko alis mo na kayo. Hindi pa ako sasama. Wala pa naman akong makitang kakilala.
First night ko, sabi ko sa nurse, huwag patayin ang ilaw. Hindi dahil takot ako. Sanay na ako diyan. Sus, yong ibang mga nakaputi, pasaway. Itinataas yong aking kumot. Lima ang kumot ko. Pinipili yong magaan. Nakaexpose tuloy ang aking paa. Hoy, pakialamera ang babaeng yon. Sabi siguro noong nurse ng pumasok sino ang kausap ko. Sabi ko I am fond of talking to myself. It does not answer back. mwehehe
Ang problema ko ay ang aking painkilller. Inuunahan ako ng mga drug dependent kaya wala palaging supply sa pharmacy. Sus.
Dahil sa experience sa nursing staff, last January, mas maingat na sila ngayon. Ang nurse, dala-dala nila ang listahan ng mga meds ko. Chinicheck ko kung ano ang pinapainom nila sa akin. Baka mamaya sa kabilang pasyente yon.
Salamat sa mga nagdasal. Takot ako magpaopera kasi nga bleeder ako. Noong hindi ko pa alam, it took the surgeon more than a few hours to wait until my bleeding subsided. Buti na lang cyst lang yon. Kahapon pumulandit na naman ng ininjectionan ako ng insulin. Sinabi ko na kasi akong bleeder ako eh at one week na akong hindi umiinom ng blood thinner.
Pinaysaamerika
Parang nakakatakot naman 'yung mga naka-puti. Paano pa kaya kung humawak sayo? Nyay! Pero seriously medyo na-worried 'ata ako Mam Cathy kasi ang tagal pa din ng resulta 3 buwan pa...
ReplyDeleteNasa prayers ka namen Mam!
Dencios
thank you dencios. medyo matagal daw ang effect.
ReplyDeletetagal pa nga ng waiting mam 3mos,ur always in my prayers mam,honestly.
ReplyDelete~lee
oo nga lee, marami pang mga intrigang balita. bwahaha
ReplyDelete