Wednesday, March 23, 2011

Impeachment Coverage, Ghost employees,Seminar in Boracay at Jason Ivler

Dear insansapinas,

Patalastas:
Nagising ako kaninang umaga na frantic. Nawawala ang aking bag pagkatapos i-treat ko sa mamahaling restaurant ang aking family. Panaginip lang pala. Natulog ako ulit baka makita ko yong bag. Ahek.
Ikalawang tulog ko, bumalik ang panaginip. Nakita raw ng kuya ko. Nang tiningnan ko hindi yon. Puti ang bag ko. Kaya pag natulog kayo ngayong gabi baka makita ninyo ang bag ko, pakisoli lang. ehek.

Impeachment Coverage


Gusto ng palasyo i-televise ang impeachment proceedings. Naku, saan kayang istasyon yon ipapasok. Noong kasing last impeachment, nilagay sa TFC. Naku bigla akong nagpakabit. Pero puyat naman ako kaya kinabukasan kailangang tukuran ko ang aking ulo para hindi ako bumagsak sa aking keyboard.


Para makatagal din akong hindi antukin (sabagay aantukin ka ba naman noon na ang daming mga drama actors at actresses), naggantsilyo ako ng blazer. Hindi pa tapos ang impeachment, nagamit ko na. Mahihiya ang table runner pag nakatabi ko. Pwede ring gawing cover ng throw pillows. At yon ang time na lumaki ang expenses ko sa snacks at medyo, bumigat yong aking weighing scale. WALANG MAGTATANONG. 
Lagot ang mga teleserye, tatalunin sila sa rating.


Isa sa rules of impeachment dapat ang balak ang magpapogi. Walang sulyapan sa camera at walang taguan ng suklay sa bulsa. 
And while our officials are giving us entertainment, who's minding the " unpreparedness of the Philippines" to an earthquake that is even lower in magnitude than the recent that hit Japan? 
Boracay out of town-seminar


Kailangan bang sa Boracay pa ang seminar ng mga local barangay government officials na nakatalaga sa Metro Manila? Ano ang akala nila sa sarili nila Tara na Turista? Wala naman siguro silang maging balak na seminarista. Ehek.


Ghost employees sa City hall


Kaya nga ba ang mga artista nagkakandarapang tumakbo ng councilor sa mga siyudad. Ang budget pala ay 800,000 pesoses weekly. Sa isang councilor meron daw 120 na employees. Ano ang ginagawa ng mga multong yon? Ganoon ba karami ang trabaho ng councilors? Dinaig pa nila ang mga Senador? At meron din pala silang pork barrel. Talagang ang baboy na yan, kakalat-kalat.


Ivler mom, suntukan tayo


Samantala sa California, inaresto ang mother na tinuruan ang anak para lumaban.
Police say they have arrested the woman, identifying her as Jennifer Zuniga, 33, of the central California city of Ceres.
She faces child endangerment and contributing to the delinquency of a minor charges, police said.
"Jennifer can be heard and seen in the video yelling and encouraging her son to batter the other juvenile. Jennifer is heard yelling a barrage of profanities and enticing the fight," Ceres Police said in a statement.
sa Pilipinas Kay Ganda Koh, hinamon naman ni Marlene Aguilar (nanay ni Jason Ivler at kapatid ni Freddie Aguilar) ang judge ng suntukan. 

Wednesday’s hearing of the murder case against road-rage suspect Jason Ivler turned into a circus when his mother, known to be prone to theatrics, challenged the judge to a fistfight.“Mano-mano na lang tayo, isang round lang (Let’s fight, just one round), judge,” Marlene Aguilar told Judge Bayani Vargas of the Quezon City Regional Trial Court, Branch 219, in a loud voice.

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous9:15 AM

    mam,akoy walang kahilig hilig at diko pinangarap pumasok sa politics.... anu kamo?cauncilor lang 800taw ang budget at pwera pa tiyak dyan ang mga komisyones at project...teka peram ng calcu...
    hmmmm...
    mga kababayan,bata papo akoy pangarap ko ng maglingkod sa aking mga kababayan,nais kopong mapaglingkuran at pagsilbihan kayo,iboto po sana ninyo ako para sa susunod na halalan bilang konsehala...ehem ehem pede na ba mam?pag mga ganyang hlaga ang usapan e ibang usapan nayan,pwede namang mabago ang isip ko sa isang iglap e,anu mam kontrata?ikaw gawa ng speech ko sa darating na miting de abanse/eleksyon pramis my 50% ka dun sa ...magkano na nga ulit yun,nalimutan ko na (calcu nga paabot)
    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous9:17 AM

    pag ako nanalo mam,pwede bang isama multo/ghost ni jaikel macson, liz sastre, james principal, elvis parsley at iba pang entertainers?
    ~lee

    ReplyDelete