Sunday, March 27, 2011

The Event Planner (Not)

Dear insansapinas,


My male friend who is now in the Philippines is going to get married. (Naisulat ko na ito diva?) Para akong yong isang Soap Opera Queen na nang mapahiya dahil pinaalis sa business class, nagkaamnesya at nagtanong, Kilala mo ba ako? (Bakit nakalimutan ba niya kung sino siya?) Isa pa yong pulitiko na ang mga magulang ay pulitiko rin. Pareho rin ang tanong kung kilala kung sino siya nang siya ay sinita sa business class ng eruplano. Kaya ayaw ko ng maging celebrity o politician. Nagkakaroon ng dementia. Makakalimutin.


Anyway, bago tayo magkalimutan ang topic ko ay tungkol sa kasal. Kasal ng aking kaibigan. May pahintulot ako sa kaniya, isulat ang tungkol sa love -life niya.


Nag-Im siya sa akin. Moustache? Anong mustache? Yon pala musta eh? Ginagamit niya kasi ang kaniyang cell phone pagtype ng texts. 
Sabi ko in 30 minutes, iinom ako ng aking gamot at bigla na lang akong makakatulog. ZZZZZ.


Kinumusta ko ang kaniyang wedding preparation. Sabi sa akin, nakakapagod pala ang mental fatigue.
Syempre ah. hahaha


"Wala kayong utang na loob, kung hindi dahil sa akin di kayo magkakatuluyan." Di po dialogue yan sa teleserye. Yan ay diyalog noong asawa ng barkada niya na nagpakilala ng kaniyang fiancee sa kaniya.


(Suklay buhok). Bakit naman niya sinabi yan? Kasi raw gustong ipasok pa ang sarili sa bridal entourage. Best man na ang kaniyang asawa, ring bearer pa ang anak. Eh di naman sila malapit na kamag-anak. Marami pang nakapilang kamag-anak na gustong sumali.


Pinagpasensiyahan na nga raw niya nang ipilit yong venue ng kasal. Sabi ko bakit siya pumayag, eh ang kaibigan ko ang magbabayad. Kasi raw sinisiraan sila sa mga kamag-anak. yada yada yada.


Eh susunod niyan, magpapatulong makarating yan sa States o hihingin ang mga regalong hindi madadala sa US (sabi ko perahin na lang), total ang kaniyang asawa naman ang nagpakilala sa kaniya. AS IF big deal yon. Kahit na ipakilala sa kaniya, kung hindi naman desperadong mag-asawa itong kaibigan ko, hindi rin sila magkakatuluyan. 


Noong sinabi niyang wala siyang balak umuwi ng US, laking problema, inaway siya ng kaniyang fiancee.
Sabi ko eh hindi pala ikaw ang gusto niyan, yon palang citizenship mo. Ang Bad ko. 



 Paano na lang kung mahirapan siya rito sa States lalo na sanay siya diyang may mga katulong? 


Sabi ko next time, makialam ang mga kamag-anak, kaibigan o sino pa man, sabihin mo sila ang magbayad ng kasal kasi dito sa States, Father of the Bride ang nagbabayad.


Mga pakialamera. Tiningnan ko ang salamin. oooops, pakialamera rin pala ako.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous9:02 PM

    ok na ang proxy ko mam,super bagal nga lang pero kesa wala,inuna ko pa pc kesa trabaho ahahahaha.
    naku mam,satin ganyan,pag pa naipasok ka ng trabaho,naipakilala ka kung sinung pontio pilato ao kung anik anik e dika na makakaahon sa utang na loob,para kang nakumunoy ehehe.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. lee,
    sinabi mo pa. pero ito naman eh pakilala lang. siguro yong babae ang pinupuntirya kasi makakapunta na siya sa US. sabi ng kaibigan ko. inggit daw.

    ReplyDelete