Dear insansapinas,
When the execution of the three Filipino drug mules were deferred, the Chinese government declared that it was out of respect for the Filipino official. Siyempre, tangos ilong na ang Filipino at kulang na lang ang buong 24 banda na pasalubong siya sa sinabi niyang successful na punta niya sa Tsina. SUBALI'T kung talagang pag-aaralan ng kultura ng ibang bansa para mas maunawaan ang mensaheng gustong ipaabot, ito ay parang inabutan mo ang isang maybahay na nagwawalis at pansamantala niyang ihihinto para respeto naman sa dumating na bisita pero hindi ibig sabihin hindi itutuloy ang pagwawalis.
Kung ikaw ay nasa kalagayan din ng Tsina, anong gagawin mo kung patawarin mo ang tatlo at humingi rin ng patawad ang ilang libong nakakulong. Kung ikaw ang pamahalaan ng Pilipinas Kay Ganda Koh, kailangan bang ubusin ang oras, pera para ma-isave din ang mga taong ganito ang kaso na nakukulong sa ibang bansa?
Iba-ibang kultura, iba-ibang paraan ng komunikasyon.
Isang kakilala ko ang kasal sa isang taga Middle East. Tuwing mag-aaway sila at maghihiwalay ay umiiyak ang lalaki. Sabi tuloy ng isa kong kaibigan, ang swerte ng babae, iniiyakan siya, samantalang daw siya ang boypren niya hindi man lang umiyak ng nagbreak sila.
Muntik kong batukan. Sabi ko sa kaniya ang mga lalaki galing sa bansang yaon ay sanay na ipakita ang kanilang emosyon, gaya ng pag-iyak at ang galit dahil sa kanila ang taas ng boses ay sincerity at strength samantalang ang tahimik ay isang sign of weakness. Sa ating mga Filipino, ang mga lalaki ay hindi nagpapakita na nasasaktan sila sa pamamagitan ng pag-iyak. Mababawasan ang kanilang pagkamacho.
Sa ibang kultura ang silence ay isa ring means of communication. Huwag mo silang iinterrupt pag sila ay nag-iisip o nagsasalita dahil sa kanila yan ay kabastusan kahit na ang pagsabi ng I agree, Yes, Yes, that's what I mean.
Sa isang opisina na iba iba ang lahi at iba-iba ang kultura, mahirap para sa manager basahin ang personalidad ng tao. Nasanay tayo na ang pagiging honest o open ay pagtingin diretso sa mata pero may mga Asyano na ito ay hindi paggalang sa superior o sa nakakatanda. Ang kanilang paggalang ay ang pag bow ng ulo at pagtingin sa ibaba. Oo Birhinya, kahit na sila ay lumaki na sa USA.
Meron kaming empleyado na Korean yata siya. May masamang balita para sa kaniya pero hindi kaagad sinabi ng kasamahan niya. Sa kanila yatang kultura, inniwasan ang masamang balita sa umaga. Huwag ninyo akong tanungin, hindi ko rin alam.
Ang mga expat (yong pinadala ng kumpanya sa ibang bansa para mamahala ng negosyo) dapat alam nila kung kailang allowed ang paghawak ng empleyado, paghalik at pagbigay ng regalo. Sa Asia, karamihan sa mga empleyado ay hindi nagpapahalik. Katulad din naman sa States na ang paghalik at paghawak sa babaeng empleyado ay pwedeng kasuhan ng sexual harrassment. Sa Pilipinas Kay Ganda Koh, tumatayo ang balahibo ko pag iyong isang female TV host ay panay akap doon sa male TV host. Kahit na ba sabihin pa niyang parang kapatid niya yon eh. Tseh.
Sa opisina na namin ay may kasama akong Intsik at Amerikano sa kuwarto. Ang Amerikano ay ang male receptionist kaya nakapwesto siya sa may pinto. Pag siya ay nag-iisip o nagpapahinga, nakataas ang paa niya sa lamesa. Ang aking kasama namang Intsik na sinanay na kailangan pag nasa opisina ay nakatapak ang paa sa floor, nakaupo ng mahusay ay ang siyang nagkaroon ng carpal tunnel syndrome, tennis elbow at frozen shoulder. hehehe
Sa Indonesia, kahit na anong galit mo sa driver na sinusundan mo hindi ka pwedeng maghonk. Hindi mo rin pwedeng pagalitan ang empleyado kung saan mapapahiya siya. Lalo kung ikaw ay expat.
Maraming bansa ang ayaw ang itinituro ang tao o lugar. Ang mga Pinoy mahilig magtuturo. Pwede na lang idescribe kung ano yong gusto mong ipakita. Kagaya ng tao. Halimbawa, bansot siya, malaki ang mata. Ang kilay ay salubong at parang katatayo pa lang sa bed. Bad description.
Pag lugar ay pwedeng gamitin ang kulay, kung saan malapit, o kaya gamitin ang ala militar na at 12:00 , ibig sabihin nasa harap at medyo mataas.
At bago ka yumakap para bumati sa dumating, alamin mo muna kung allowed sa culture nila yon.
Pinaysaamerika
re drug mules,totoo ka dyan mam,kahit ako naman to,mas pabor pa nga ako na dapat talaga bitayin yang mga drug mules na yan at saka kung satin e walang bitayan,dimo pwedeng i stop yung ibang bansang meron.
ReplyDeletere kultura naman, sa bandang south asia naman,malaking insulto yung ambaan mo sila ng tsinelas o shoes,murahin mo na sila pero wag mo ambaan ng shoes kasi malaking gulo kahit na nga biro pa yan.
bawal din yung babaeng nakikipag kamay,usually pag my bisita yung husband nila e sila namang mga wife pwedeng mag say lang ng "hi" pero di pwede eye contact sa bisitang lalaki at pagtapos nun e papasok na sya sa room nya,kung very close naman nila yung bisita at very modern na yung family e chika chika na rin,my kaibigan akong local,walang pakelam sa kultura nila(naimpuwensyahan ko yata ehek)kung makahalakhak e labas na rin ang titilaukan at my pahampas hampas pa pag nagsasalita at tumatawa kesehodang pandilatan na sya ng asawa nya ehehe.
minsan pa aabutan ko silang magasawa silang dalawa naglalasingan mwehehe,masyado na silang modern bukod pa nga sa parehong mayaman at expose na sa mga expats,pero kahit pa nga gano kabaait at ka open ang mga lalakis a kanila e talagang umbagero,
tinuruan ko yung babae na gumanti,pag sya e punagbuhatan ng kamay at di nya kayang umbagin din e i-outside de kulambo nya at
wag syang papahawak man lang,
minsan sinampal yata sya(napaka bungangera naman kasi)nung minsang hahalikan sya e iniwas nya ang mukha nya,sabi paa na lang sya pedeng halikan ni mister kasi yung mukha sinampal na nya,marunong na bwahaha
~lee
kahit na jimmy choo ang sapatos? mwahaha
ReplyDeletenoong napunta rin ako sa Pakistan, ang aking hosts ay lumaki na sa UK. Modern na siya pero pag nasa harap ng mga kamag-anak, balik sa pagkashy na housewife.