Monday, February 14, 2011

Young Love-Valentine stories

Dear insansapinas,


Happy Valentine sa lahat. Sa mga restaurants at flower shops, Happy Boom Sales.
Ito ang mga short stories ng Valentine's Day para makalimutan muna ang problema ng bansa.


1. Matalino man ang Matsing, naiinlab din
Kaklase ko siya sa College. Maganda, matalino at ambisyosa. Seryoso siya sa pag-aaral dahil mahirap lang sila at ang kaniyang tiya (na nalaman ko, di pala niya totoong kamag-anak) ang nagpapa-aral sa kaniya.
Sa aming grupo na panay babae at isang balaki (pero lalaki naman pala, talagang malamya lang) isang malaking issue ang magkaroon ng manliligaw. Ibig sabihin noon" mahaba ang buhok" mo. Hindi ako kasali. May asawa na ako kaya palagi akong nagiging tampulan ng tukso ng aking Math professor kung bakit daw inunahan ko siya. (Matandang dalaga kaseh).


Sa isang paglilibot namin ng mga museum para sa aming Humanities, may nakilala ang aking kaibigan na tawagin nating Cyntsha. Hmm, wapo siya. Magandang manamit. Nagtatrabaho raw sa Customs. Hmmm. Madatung. Makikita mo naman sa suot na bling bling, sa pabango at sa manicured na mga kamay.
Tuwing uwian namin, sinusundo sha. Valentine noon. Kahit na sangkatutak ang aming exam at mga papers (mga kill joy ang mga professor namin noon kasi mga spinsters) nakipagdate siya. First time niya. Maganda ang suot niya ng araw na yan. Hindi mo ako mahuhuling magsuot ng damit na may puso pag Valentine. mwehehe. Mga ngiting parang nakapaste sa aming mukha nang sunduin siya ng kaniyang bagong boy friend, sakay ng isang Toyota sedan. Wow, talagang proud sha. Sabi ng aming kabarkada, " Inggit ako."


Kinabukasan at sa mga sumunod na araw, hindi siya pumasok. Aha. Hindi ko matapos ang aming project. 
Ang aming nga kabarkada ay nagworry rin kaya nagtanong-tanong sila. Hindi raw umuwi sa auntie niya. In fact, hinahahanap nila. Naisip namin nagtanan. Ngayon. Malapit nang matapos ang semester. Ilang Linggo na lang. Siyempre, lumipad si Darna. Hinanap kung saan napunta ang nawawalang kaibigan. Pauwi ako nang masalubong ko ang isang bata. May ibinigay sa aking sulat. Galing kay Cyntsha. May address. 
Pinuntahan ko. Nakatira siya sa isang kuwarto. May lamesa, may dalawang upuan at may bagong biling aparador. Masaya siya. maligaya. Nasaan ang kaniyang asawa? Nagpakasal daw sila sa Bulacan. Umuwi raw muna sa payrents para ihanda ang pagdala sa kaniya at pagpakilala. Kinumusta niya ang aming project. Sabi ko, huwag siyang mag-alala, tatapusin ko at isasama ko ang pangalan niya. Pero kailangang pumasok na siya dahil may mga long quizzes kami. Promise naman niya ay kinaLunesan dahil weekend daw siya babalikan ng kaniyang asawa. Hige.


Lunes, dumating, wala pa rin. Martes, Miyerkules. Mabubuo ko na ang Novena ko pati sa St. Jude, wala pa rin siya. 



Bumalik ako sa tinitirhan niya. Magulo ang kaniyang buhok. Mugto ang mga mata niya. Ang mommy pala ng kaniyang husband ay hindi mommy kung hindi sugar mommy. Isa lang pala siyang janitor sa Customs. Ang babae ang bumubuhay sa kaniya. Nang sabihan siyang iwanan ang aking kaibigan, walang lingon likod na iniwanan nga.


Kinumbinsi kong pumasok ang kaibigan ko. Walang makakaalam kako. Natapos kami ng College. Sabay kaming mag-aaply ng trabaho. Natanggap siya sa isa. Ako noon ay ginawang regular kung saan ako nag-OJT. Wala pang dalawang taon, promoted kaagad siya sa mataas na position. Nameet ko ang kaniyang boss, iba ang tinginan nila. Aha. Ngumingiti lang siya pag nagtatanong ako kung may boyfriend na siya.
Napasok siya sa isang malaking kumpaniya. Isang VP naman ang nagkagusto sa kaniya. Wala pang isang taon, assistant na siya ng VP. Pero wala siyang boyfriend na maipakita sa aming mga barkada. Hanggang magkita sila ng dati naming kaklase. By that time, iba na naman ang favorite ng VP pero hindi siya tinatanggal dahil magaling nga siya. Kaya nang pakasal siya sa kaklase namin, tumayo pa itong ninong at tinulungan pa siyang mapawalang bisa ang kasal niya noong menor pa siya.


2. Pag ang Pag-ibig Pumasok sa Puso ninuman, magko cause ng heart attack


Kabarkada rin namin siya. Pinakamatanda siya sa grupo dahil sakitin siya. May sakit siya sa puso. Pahinto-hinto siya. 


Frankly, hindi sya maganda, pero maganda ang boses niya. Madalas kaming magkasama sa mga drama at book reading sa school. Siya ang kasagutan ko.


Nang ipakilala niya ang boy friend niya, tumaas ang mga kilay naming mga kaibigan. Hindi naman halata dahil nakabangs kami lahat. Wapo siya. Bata ng ilang taon at hindi namin alam kung istudyante o nagtatrabaho na.


Ang takot naming lolokohin lang siya ay nawala nang magpakasal sila pagkagraduate namin. Masaya na kami para sa kaibigan namin.


Naging busy kami lahat kaya yong aming regular na pagkikita para magkumustahan ay naging madalang. Ginulantang kami ng tawagan kami ng kapatid niya. Patay na siya. Atake sa puso.


Bukod pala sa naging palamunin ang asawa niya, isa pa itong playboy. Hindi na siguro nakayanan ng aming kaibigan ang sama ng loob.Nasa out of town ako noon at nakarating ako, nakalibing na siya. Siya lamang ang lalaking minahal niya.


Yong lalaki namang barkada ay nagpakasal sa isang US Citizen. Nagkita rin kami dito sa US. Dalawang barkada namin ang naging matandang dalaga at ang isa naman ay namatay sa sakit. Ang isa ay hiwalay sa asawa niya na boyfriend na niya mula high school. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment