Monday, February 07, 2011

Scarred for Life

Dear insansapinas,

After the political commentaries, let me talk about myself again. Phulease.

When I say scarred for life, I am talking literally not the pscyhobabble thing that describes the personal and social situations of an earthling using esoteric language.

I've got a thick lush of hair. Mas makapal sa mukha ko. Toinkk. Napagkakamalang wig pag sinipag akong nagrollers nang kinagabihan.

My ex-hubby used to pull my hair as a greeting. Napeke ko kasi siya noong una naming pagkikita. (OO Ate Charo). Naka-wig ako noon dahil yong isang tagawalis lang yata sa parlor ay minarder ang aking buhok nang ako ay nagpagupit. Ginupitan ako nang hindi mang lang binasa ang buhok ko. Nang makita ko sa sarili ko sa salamin, para akong may sunong ng pugad ng ibon. Bagong salta lang ako noon sa San Fran kaya di ko alam pwede pa lang dinemanda ko ng moral damages sa dinanas kong kahihiyan ng pumasok ako sa trabaho. Pati yong ibon sa aming lobby gustong kumawala para dumapo sa buhok ko. So, bumili ako ng wig. Ang mahal pa naman. Doon ako ngayon nakita ng aking ex-hubby na naging palaisipan sa kaniya kung totoo nga ang buhok ko o hindi.  Pero hindi yan ang scar for life ko.

Ituloy. Ngayon ay medyo manipis na ang buhok ko. No hindi sila nahuhulog. Sumasama lang sa suklay. Kaya hindi ako gumamit ng suklay. Kamay na lang at kunting hagod.

Pag hagod ko sa aking buhok, nasalat ko ang malaking peklat sa aking anit. Naalala ko ang kuwento ng mother ko kung saan ko nakuha yon. Di ba kasi noong bata ako ay prone ako sa accident at disaster. Siguro yong aking anghel pagud-na pagod kaaantabay sa akin, Nandiyang malunod ako, nandiyang muntik ng makidnap, nandiyang nadupilas ako at nandiyang nasabugan ng boteng may laman ng dry ice.



Pero itong peklat sa ulo ko ang pinakagrabe. Parang naalala ko pero malabo. Nagbabakasyon kami sa kapatid ng mother ko sa probins. Naglalaba sila sa backyard sa "Bubon" ( Bicol term para sa balon) habang naglalaro naman ako sa malapit. May pinsan ako na pasaway at may hawak ng palakol. Nag-aagawan sila ng isa ko pang pinsan para magsibak ng kahoy. Sa pag-aagawan nila, lumipad yong blade ng palakol at tumama sa aking ulo. Marami raw dugo. Siguro kung ngayon nangyari yon ay may 9-11 na at may ambulansiya ng dumating. Pero dahil yon ay sa probins na walang malapit na ospital o clinic, inampat nila ang pagdudugo sa pamamagitan ng tabako ng sigarilyo. Baka isang kaha ang ginamit. Nag-amoy sigarilyo tuloy ako. At para maiwasan ang infection, hinugasan nila ako ng nilagang dahon ng bayabas.

Para sa gamot, sabi ng mother ko tinapalan daw ng nganga ng lola ko. Sayet. Ayun, nagamot naman ako.

Meron din akong scar sa akin  wrist. Yon naman ay sanhi ng pagputok ng bote na nilagyan ng dry ice ng kaklase ko na nakaupo sa aking likod. Sila nang katabi niya ay sa mukha natamaan. Ako naman ay sa likod at sa kamay. Pinakamatindi sa wrist dahil iyon ang pinakamalapit sa bote. Dinala ang mga kaklase ko sa ospital kasi duguan ang mukha nila. Saka lang nila napansin na tumutulo rin pala ang dugo sa kamay ko at basa na rin ang likod ko ng dugo. Grade 3 lang ako noon. Pero hanggang ngayon, makikita mo pa ang bakas ng peklat na nasa aking wrist.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment