Saturday, February 26, 2011

Rain, rain go away

Dear insansapinas,
I learn a lot from Criminal Minds about analysing human behavior, mine included. Sometimes we adopt a habit because of an experience that was traumatic or embarrasing which were beyond our control.
Let me esssplain.


It was raining yesterday. I was looking down at the wet green grass and the cascading water at the walkway when I remembered the answer to my brother's question. "Why do you bring so much cash?" OO nga naman.  Here, where plastic is the medium of exchange, it is rare that you will find somebody with so much green bucks in his/her wallet. Kasalukuyan kasi akong iniinventory ng admitting nurse kung anong dala ko at may bundles of cash akong dala. Buti nga di ko pa dala ang aking cash box. toinkk. 


Yes, Virginia, OC as I am, I have folded currency in different denominations in my pocket, aside from the loose changes of singles and fives tucked in between receipts.


So what has rain to do with this habit of mine?


It was rainy day in San Francisco then. I always brought with me a pair of walking shoes (you would if you're working in the downtown area where you got to walk several blocks everyday. My walking shoes was not the cheap type, in fact I bought them from a high end store in the Union Square. Sale nga lang.
mwehehe


That day, it was raining, kittens and puppies and I had to go to the bank. Hindi naman bumabaha sa San Fran pero minsan clogged din ang drainage kaya nag-aaccumalate ang tubig sa gutter at sidewalk.
Yes, Virginia, kulang na lang kumanta ako ng Singing in the Rain kaya lang di ko alam habang pinalalangoy ko ang aking sapatos sa baha. Ewww. 


Malapit na ako sa bangko nang maramdaman kong, para yatang naglalakad ako ng barefoot sa aking kanang  paa.  Huh huh huh (hyperventilate) yong aking takong natanggal. Hanap ako ng pinakamalapit na shoe store. Meron naman. Balak kong bumili ng kahit pinakamurang sapatos. Pili-pili. Nakakuha ako. Pagdukot ko sa aking bulsa, huh huh huh (hyperventilate) nagpalit pala ako ng outer jacket kasi hindi water proof yong isa. Wala yong aking credit card, wala yong aking pitaka. Ang mga naroon lang ay yong mga loose changes. Nang binilang ko, short ako ng 3 dollars. Wuah. Sabi ko doon sa sales associate, utang, ibabalik ko. Ayaw, kasi MO na pala yon doon. Sus. Napaghinalaan pa akong scammer.



So, kumuha ako ng plastic at rubber band, binalot ko ang paa ko saka ako naglakad sa baha. Ang takot ko lang kasi ay yong mga itinatapong mga needle ng mga addicts.


Nagkandahulog sa pagtawa ang mga kaopisina ko. Isinumpa ko na ang store na yon na nagsisimula sa M. 


At least sa opisina, may dalawa akong sapatos, isang leather at isang sneakers.


Kaya nagpromise din ako na palagi akong magsisingit ng pera sa aking bulsa for emeregency.


 Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment