Wednesday, February 16, 2011

Pacquiao, Watson and Wet Cell Phone

Dear insansapinas,
Pacquiao


I forgot. Nasa kapitbahay lang pala namin si Manny Pacquiao, bisita ni Tito Barack Obama at Tita Michelle sa White House.  Para maimbitahan ka sa WH, kailangang malakas ang PR agency na kinuha mo o may sponsor ka. Si Senator Reid ang gumawa na ito ay maging posible. Sha yong ikinampaign ni Pacquiao noong election. 
Ang magaling sa naghahawak kay Pacquiao ay may promotion tour pa sha. Noon bago pa lang shang nagsisimula dito, walang ads. Sumunod, prinomote ang kaniyang fight ng Pay-per-view sa network. Ngayon all-out talaga ang promotion sa kaniya. 
Sa Pilipinas naman ang promotion ay yong mga controversies. Mga bahong hinahalungkat nila. 


Watson
Sino sha? Siya ang IBM computer na nakikipagtagisan ng talino sa Jeopardy. Kalaban si Ken at si Brad. 
Kagabi panalo na naman sha. Pero nasagot niya yong mga paintings, mga classical music at iba pang mahirap na tanong na hindi about US kaya nang itinanong ang biggest airport named after World War 2, alam ko nang panalo sha. Pero hindi niya nasagot. Para ba patuloy pa hanggang ngayong Wednesday? Ang liit pa ng itinaya niya. More than seven hundred dollars lang out of 36,000 winnings. Sabi nga ni Alex Trebek, you sneak. 
Makausap nga itong robot naming naglilinis ng carpet kung pwede siyang sumali. mwehehe. 


Wet Cell Phone



Nahulog ba sa toilet bowl ang inyong cell phone o nahulog sa baha? Pwede ninyong patuyuin sa pamamagitan ng pagbaon nito sa uncooked rice. Ito ang advice ni Abby ng NCIS na nakaretrieve ng cell phone sa water tank ng bathroom ng biktima.


Inaabsorb daw ng rice yong moisture sa cell phone. Pagkatapos pwede na ninyong lutuing lugaw ang rice. Whooops, hindi kasali ito.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment