Saturday, February 05, 2011

Heidi Mendoza is accused by COA of giving misleading information and the hold-upper

 Dear insansapinas,


Nagsimula na ang pagdiscredit kay Heidi Mendoza--nanggaling pa sa mismong agency na siya dapat sumuporta sa kaniya. Demolition team anyone?

Ito ang balita at ang aking open-yon in my experience as an auditor.


The COA said Mendoza has been giving the public “misleading information.” It did not refuse any audit report since Mendoza’s team is supposed to submit the reports to the Office of the Ombudsman, where they were seconded for an inter-agency investigation, the COA added.
Hellow, is somebody there? Hello, this is not a telemarketer. If you are an auditor or group of auditors you submit your finished report to your superior before it is forwarded to the party that requested for an audit.
Siyempre gustong malaman ng iyong superior kung may ginawa kayo at ano ang  resulta ng audit. Yong sinabi na Carague na hindi na kailangang magsubmit ng report dahil wala na naman si Simeon Marcelo is crap.
We auditors do not submit the report to a specific person. It is addressed to the Board of Directors if it is a corporation or the agency itself if it is a government institution. Auditors want everything on records.
If there is no report submitted, it means, the audit was not concluded. Whether it is perused or not, it is our responsibility to deliver the finished product.





Villar said Mendoza and her team received P198,940.77 in financial support during their 14-month investigation of Garcia.
Villar said records show that Mendoza and 10 state auditors under her supervision had the COA’s support to build up a plunder case against Garcia through an inter-agency investigation spearheaded by the Office of the Ombudsman.
Mendoza could not have uncovered all the supposed evidence by herself, he added.
Villar said from November 2004 to January 2006, the audit team received P160,149.60 in travel expenses, P21,146.30 in representation allowances, P6,100 in communication funds, and P11,544.87 in gas allowances.
He said that showed COA supported them.
Hindi ako basta nagugulat sa amount. Kailangang himayin ko. Ang ibang ordinaryong tao siguro (remember superheroine ako na nawawalan ng powers pag hindi ka nakaplugged sa aking laugh top) ay mapapabulalas ng Wow, laki naman. Saan dinala ang pera?


Himayin natin na parang isda. Fourteen months ang inabot ang audit, sampung auditors ang nagtulong-tulong. Tingnan natin ang average, isang tao sa isang buwan.


Travel expenses 160,149.60/14 months= 11,439.26 divided by 10 people = 1,143.93 aba eh kung magtataxi ka ng sampung araw, ubos na ito. Siyempre kakain pa sila. P 1,143.93 patuka sa manok.


Alam ninyo ba pag nag-aaudit ang mga auditor, parang dala nila lahat ng filing cabinet? Ako noon hindi kita pwedeng icar-pool, puno ang aking trunk at upuan sa likod ng mga files, documents na dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Ang biro sa akin ay dala ko raw ang opisina ko. Mali sila, isang filing cabinet lang yan. Isipin mo na lang kung sasakay ka ng jeep at dala mo ang mga documentong ito. Pero may kwento ako diyan. Cool lang kayo.
Sira yong kotse ko. Kailangan kong mameet ang aking client kaya marami akong dalang mga papeles. Ito yong may holdaper sa loob ng jeep. Susme, minsan akong makasakay, naholdap pa. To cut the story short, ako ang tinututukan ng balisong ng holpdaper na wapo pa naman. Tseh. Instinct ko talaga lumaban. Superheroine kasi ang feeling eh. Ibinalya ko sa kaniya ang aking punong-punong attache case na parang laman ang Library of Congress sa bigat. Nabukas ang attache case ko. Sambulat ang mga papel. Hindi siya makalapit sa akin kasi nadudulas siya sa kapapelan. Nasaan na ang ibang pasahero? Nagtalunan na. Isang pasahero na lang ang kasama ko. May payong siyang ginamit niya sa pagdudotdot sa holdaper. Yong driver, wala siyang kebs. Malapit na kami sa police station sa Pasay. Ginamit kong shield yong aking attache case na wala ng laman habang ang isang pasahero ay para siyang si King Arthur na ginagamit ang payong pakikipag-espadahan. (Sayang walang camera). Tumalon na lang ang holdaper. Yong pasaherong di ako iniwanan ay istudyante ko pala sa Graduate School.


Tuloy tayo sa tuwid na daan bago tayo natraffic ng holdaper.


Representation allowance - 21,146.30 / 14 months  1,510.45 divided by 10 people = 151.04 sa isang buwan? Mahiya naman kayo. Anong mabibili ng 15 pesos, isang araw ? Haber?


Communication Funds - 6,100/14 months = 435.71 = divided by 10 people = 43.57 divided by 30 days =
Peso at 40 cents? isang araw? magkano ba ang load sa cell phone?


Gas Allowance 11,544.87 months= 824.64 divided by 10 people = 82.46 per person a month or mga mahgit 2  pesoses lang sa isang araw. Kung kotseng eight cylinder yan, mula garahe lang yan hanggang driveway. Tseh.
Mendoza could not have uncovered all the supposed evidence by herself, he added.
Totoo your honor pero sabi ko nga sa aking mga previous articles regarding auditing, hindi ko nakikita ang mga anomalya sa aking pag-aaudit dahil magaling ako o hindi nakita ng mga previous auditors dahil tanga sila. Nakita nila ang mga anomalies but they refused to blow the whistle. FOUL.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment