Dear insansapinas,
photocredit
Hindi ako tulog ngayong araw na ito na nakasabit ang paa sa kisame ala Batwoman. Pero gusto
kong suotin na ang aking superheroine costume, lumipad sa Egypt at pagtatapilukin ang mga
kabayo at nga camels na sakay ang mga thugs ni Mubarak at sinasaktan ang mga anti-government
protesters.
Parang nanonood ako ng EDSA 1 na ang mga tao ay nag-oofer ng mga bulaklak sa mga sundalo
at nagyayakapan nang biglang magfastforward ang screen. Eeek Naging EDSA 2/ 3 kung saan naglaban
ang mga pro-government at mga protesters. Pati si Anderson Cooper a binatukan, ang kaniyang producer
at cameraman ay sinaktan din.
Biglang press conference sa Washington DC. Kailangan daw hintuan ng mga gobyerno ang violence.
Sabi mi Mubarak, hindi siya natatakot sa US. Haah.
Noong isang araw nagbakwet na ang kaniyang pamilya na may dalang 97 suitcases. Ilan kaya doon ang pera at ilang ang damit?
Masama siguro ang alignment ng mga planeta. May kaguluhan sa Middle East, may malakas na tropical cyclone sa Australia at ibinabaon sa yelo ang Northeast ng USA. Brrrrr ginaw.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment