Monday, February 21, 2011

Drug Mules

 Dear insansapinas,

Kapag ang ating observation ay nakatutok lang sa isang bagay, hindi natin masosolve ang ating problema. Tila isang detective na obsessed sa isang suspect kaya hindi maghanap ng iba pang posibleng siyang gumawa ng krimen.

Katulad yan ng lahat na lang ng problema na natutungkol sa mga lumalabas sa ibang bansa ay isinisisi sa kahirapan, sa kawalang hanapbuhay na makita. Hindi alam ng marami na ang mga nagsasapalaran sa ibayong dagat ay may mga sinasabi rin sa buhay.

The lack of jobs at home is a major reason women in particular resort to smuggling drugs.
One in four Filipinos lives on a dollar or less a day and a tenth of the population works abroad, from where, according to central bank data, they send home more than $18 billion to their families annually.
Victims of poverty
Women comprise at least 60 percent of the country’s 8-million-plus overseas work force, with many employed as maids—even if the number of jobs in that sector has been shrinking.
The condemned drug mules in foreign jails are “victims of poverty,” said Garry Martinez, head of labor rights monitor Migrante.


Mas paniniwalaan ko pa itong explanation ng PDEA.
MANILA, Philippines — The promise of large sums of money, travel and even romantic relationships are things that lure Filipinos to work for drug syndicates as couriers or “mules.”
The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Saturday provided some insight into why Filipinos choose to transport illegal substances for international drug rings. Director Derrick Carreon, chief of the PDEA Public Information Office, also wanted to erase the notion that the mules are usually overseas Filipino workers (OFWs).
Carreon explained that many couriers were recruited either through acquaintances or social networking websites like Tagged.com.
In a radio interview, Carreon said 63 percent of the recruits are women who were wooed with promises of travel, big amounts of money, and even relationships.
 Sa kagustuhan ng ibang Filipina na makahanap nang mapapangasawang foreigner, nakikipag chat sila sa kahit hindi nila kilalang impakto. Darating sa bansa, ipapasyal sila kahit sa ibang bansa para papaniwalain na sila ay sincere. Meron ngang iba, pinapakasalan pa. Katulad noong nabalitang isang foreigner na pumtay ng isang bata na kasama niya ang kaniyang asawang Filipina. Ginagawa silang partner in crime sa pamamagitan ng pagamit sa kanila bilang dummy sa kanilang mga negosyo.

Ang iba ay pinaasa lang at ang isang pagsubok nito ay ang pagpuslit ng mga droga sa ibang bansa.

Isang palabas sa TV na gawa sa Mexico ang nagsasalaysay ng kuwento ng mga babaeng drug mules.Pinapalunok sa kanila ang mga droga at pagdating sa US ay ipinalalabas sa kanila sa papamagitan ng pagpurga. Kahit na sila iiscan ay hindi sila mahuli pero karamihan ay namamatay dahil hindi kaya ng kanilang sistema. Pag namatay ay binubuksan lang ang tiyan ng mga sindikato at itinatapon ang bangkay.Ang buntis ay gusto nilang courier dahil hindi iniiscan ito.

Para naman may twist ang story ay talagang nain love ang miyembro ng sindikato at sa huli ay pinatay siya dahil iniligtas niya angbidang babae.

Kung itong angulong romansa, betrayal at seduction ang titingnan nitong mga walang sinisisi kung hindi ang kahirapan, marahil mabibigyan ng may pagsusuri bakit nakakalabas ang mga drug mules na hindi nadedetect ang gamot. Kagaya ni Ronald Singson. hindi raw nakita sa paglabas ng Customs sa Pinas pero huli siya sa Hong Kong. Wala ba tayong mga asong nag-aamoy ng mga droga?

Pinaysaamerika

6 comments:

  1. Ang mga pinoy madaling masilaw sa pera..hindi ako naniniwala na hindi nila alam na walang droga ang laman ng maleta..5 kilo na droga na dala ay hindi basehan na hindi alam..hindi lang ba sila nagtataka bakit mabigat ang maleta..isang kilo nga lang mabigat na..pero sakali man na ituloy pa rin ang pagbitay dapat lang din na lahat ng mga chinese na nahuli sa droga ay patayin din agad agad ng wala ng paglilitis..gantihan na lang..

    ReplyDelete
  2. arvin,
    hindi lang pinoy ang madaling masilaw sa pera. kumpara sa pilipinas, marami sa Europe at sa Mexico ang mga drug mules. Sa higpit ng GB at ng ibang bansa, ang sindikato sa West Africa ay tinarget naman ang Pilipinas.

    Sa atin lang kasi walang capital punishment sa drug trafficking.
    Sa Singapore noon may nahuling mag-asawa na ang drugs nasa loob ng katawan ng patay na sanggol na dala dala nila sa eruplano.

    Dahil sa asong nag-aamoy, nahuli sila ng Immigration.

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:03 PM

    korek ka dyan mam.
    ang hirap kasi pag nahuli sa mga kalokohan at kabulastugan e isisisi sa gobyerno at sa kahirapan,wala na tayong magagawa sa gobyerno natin,kahit sinu maupo ganun na yan,at dapat talaga mabalik ang bitay kasi wala ng kinatatakutan ang mga tao,dahil alam naman nilang walang bitay,ang mga tao kasing yan gusto biglang pera ayaw ng pinaghirapan,ako kumporme sa bitay at dapat lang bitayin ang mga yan,no excuse bitayin ang mga de puger na yan.,ngayon e magpapabango na ililigtas kuno ang mga bayani(mga drug traffikers bayani???) at anung kapalit? sinung maniniwalang walang kapalit yun?nek nek nila.
    ~lee

    ReplyDelete
  4. lee,
    ayaw magsipagbanat ng buto. gusto rin ng karangyaan sa easy money. Karamoihan naman sa kanila hindi OFW. Bakit wala ang Dept. of Labor?

    Para nang walang silbi ang mga departments natin. DFA, DOLE.

    ReplyDelete
  5. Anonymous12:54 AM

    hohohoy di lang sila mam,pati mga embassy sa ibang bansa puro inutil,ewan lang pero sa lahat ng bansang napuntahan ko parang pattern,parang nandun lang sila para magpasarap,parang di nila alam ang pblogasyon nila,sarap pagmumurahin,my namura na nga ako dyan na consul,
    ng umalma pinandilatan kot sabi ko pag nagkainuman kami ni ebdalin ichichismis kong bading sya at nag kukunwari syang first lady sa embassy naka bestida bwahaha,sabay irap at nilayasan ako bwahaha.
    naku mam,natatawa nga
    ako my mga nagsabi pang iligtas daw at sagipin yung mga bayaning(OFW) mabibitay,susme,mga OFW?mga drug mules nga ang mga yun at walang record na OFW sila talaga.
    nasa china ako at marami akong nasasagap na chikading dyan sa dami ng nakakulong mga foreigners di lang mga pinoy,lahat ng nasyon,at karamihan sa kanila mga drug mules at walang record na working sila dun kasama na mga pinoy/pinay na yan.mga depuger sila.
    ~lee

    ReplyDelete
  6. lee,
    papogi point lang nila yon.

    maraming pinadadala sa embassy na mga may connect lang.

    at minsan ang mga puwestong yan naipagbibili sa mga gustong magtrabaho. kagaya ng kuwento ng kakilala ng kaibigan ko. businessman daw sa pinas pero pumayag maging janitor lang sa consulate dahil sa immunity at sa chances na makahanap ng mapagkikitaan.

    ReplyDelete