Thursday, February 17, 2011

Creative accounting and Conversion of Funds 101

Dear insansapinas,

Creative accountants
 MANILA, Philippines – They sweep the dirt under the rugs, play around with the figures, paint a rosy picture, and spray the financial mess with the most potent sweet-smelling deodorants one can find in the arsenal of numerical legerdemain called “creative accounting.”


You think you will encounter “creative accountants” and their newer accomplices, “imaginative bureaucrats,” only in the advertising game?
You are in for a big surprise. These highly paid denizens are sought-after by some vicious-thinking officials of government, as well as villainy corporate honchos.
Guilty your honor. Hindi ako. Ang iba.
Di va ang Enron, diyan bumagsak dahil sa kanilang mark-the market oil accounting ?

Ididiscuss ko kung paano ang mga kumpanya ay ginagawang loss or profit ang kanilang income statement. Whistleblower ako ng mga accountants? Naah. May nakita na ba kayong nakasuhang accounting firms sa Pinas? At least sa US yong Arthur Andersen LLP, nabawian ng license as CPAs dahil sa Enron. 

Ang pag-adjust ng financial statements ay maari sa revenue (kaya yong sinasabi ng isang mataas na opisyal ng BIR na after lang sa itemized expenses. WRONG. 
Kailangan ding tingnan kung ang revenue ay hindi understated o overstated.  Kagaya ng doctor. Maniniwala ba kayo na mga kalahating milyon lang ang kinikita ng isang practitioner lalo kung ito ay surgeon o ob-gyne? Caesarian lang ngayon magkano na? Ang bayad sa surgeon ay libo-libo. Pag sa negosyo naman, tiyak ba silang hindi winiwithhold ang income na nareceive nila bago magtapos ang calendar year? Dinifer ba nila ang pagrecognize ng revenue para sa next year?


Kung sobra-sobra naman ang income, hindi ka kaya maghinala na ito ay gawa-gawa lang para mag-attract ng investors o ng magpapautang?


Ang mga expenses ba nila ay hindi kasama ang renta sa condominium at maintenance ng kotse ng kabit ng cougar na socialite businesswoman. (parang gusto king magbelo at magdasal).
Kasama ba rito ang mga travel expenses for leisure na ti-nag lang nilang business? 

Hindi kaya kasama dito ang mga expenses sa nightclub under entertainment and representation. 


At iba pa. 


Sa Gobyerno


May nabalitaan na ba kayong nakasuhang COA resident auditor ng mga government agencies na talamak ang graft and corruption. Meron siguro pero except kay Cabrera at kay Mendoza, wala pa akong nakitang pinagtiyagaang interrogate sa Senate. Kasi sila after sa big fish, ang big fish naman mabilis lumangoy. Pero kung tutuusin hindi maaring makalusot ang corruption na iyon kung walang approval ang auditor. Kaya nga siya nandoon para i-check kung tama ang ginagawa.

Conversion Fund 101


Ano ang conversion fund. Ito ang practice ng paglilipat ng pundo sa isa pang pundo na nakalagay sa budget.


Halimbawa, budget para sa Personnel o suweldo ng mga tao. May priprepare na budget diyan ang mga government agencies. Nakasaad doon ang position, ang rank at ang corresponding salaries at mga bonuses.


Hindi naman lahat ay nafifill-up ang position para sa isang taon kaya pwedeng magkaroon ng savings o sobra. Pag nakita ito ng head ng government agency, maari niyang ilipat sa isang pundo kung saan mauubos na. Hindi tamang practice pero sino ang magsasabi. Ang auditor. 


Sa AFP, kasama sa mga benefits ng sundalo ay ang uniporme, sapatos at minsan may bigas yata. Imbes na ibigay na pera ang allowance na ito, ang agency ang bumubili sa kanilang favorite suppliers. Mura nga, pero ang charge ay yong prevailing price sa market. Quality, baka ang sapatos, ilang martsa lang tuklap na. mwehehe.


Noong nasa gobyerno ako, narinig ko ang VP Finance namin na naghahanap ng funds para sa aming increase sa salaries at para sa bonus. Samantalang ang military, nagliliparan ang mga pera sa ibat ibang pundo at karamihan galing sa Personnel Funds. Bakit alam ba nila kung ilang talaga ang sundalong active pa sa service? 


Habang isinusulat ko ito, tumataas ang blood pressure ko. Sana inuna ko na lang sanang i-blog yong aking Toilet humor- Kuwento sa mga restroom. toinkk


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment