Friday, January 14, 2011

The News that make me scratch my head-Fast and Funny

Dear insansapinas,
photocredit: ABS CBN
Fast

Aquino asked people not to judge his Porsche. 

He just wants to use it in order to relax at times. “Kung maaliwalas naman po at nakaka-relax tayo paminsan-minsan, siguro naman po kapaki-pakinabang [Porsche] ‘pag gumagawa tayo ng desisyon (I want to relax sometimes, it could help me with my decisions),” he said.
Ako hindi ko talaga i-jajudge yong Porsche niya, kasi hindi naman yon libro at hindi naman ako judge.


Corniko.


Ang hindi ko maintindihan ay kung saan niya idadrive yong kotse? Alam mo naman ang Sports Car, pangmabilisang i-drive. Sa Maynila kung saan ang traffic ay lumalakad ng parang driver ka ng punerarya. O kung hindi man, para kang dumadaan sa mga crater ng buwan dahil sa baku-bako? Siguro sa highway. Ala Fast and Furious ang dating. Brooommmmm Brooooom. 


Pero sabi nga niya makakapagrelax daw siya kung ida drive niya yon.  kailangan pa pala ng Porsche para makagawa ng  decisions.


Di ba pag nagdadrive ka nang mabilis, focus ka. Kung hindi baka habang may iba kang iniisip para makapagdecision siya, makaaksidente pa. Noong nagdadrive ako sa Streets of San Fran, kulang na lang na sumigaw ako at sabihin sa mga kasalubong, kasabay at mga tumatawid na HABE kayo diyan at baka mabangga ko kayo. mwahahaha.


Isa pang di ko talaga matatap (maintindihan) ay ang mga sasakyang Hummer ng mga celebrities sa atin. Rough terrain ba ang Metro Manila o dahil sa kalsada? Ginagamit halos itong klaseng sasakyan sa mga bundok o m sa giyera. Pero kung magshoshooting ka lang naman o pupunta sa TV network, ano ka papogi?


Parang kagaya ng mga kilala ko doon sa Calif na mga Noypi. Ang gamit ay 4x4. Para bang aakayat sila ng bundok palagi. Toink.


Scratch my head. Dahan-dahan. baka bumagsak ang ilang buhok mabawasan na naman ang aking timbang. 


Funny
Alam ko nakakatawa ang mga comedians. Siguro comedians yong mga 
nagtatanggol kay Ex. Gen. Garcia.



Wealth doesn't prove plunder in Garcia case – prosecutors


Lawyer Jose Balmeo Jr. of the Office of the Special Prosecutor said that in 2006, the Ombudsman had gathered several pieces of evidence showing the wealth accumulated by Garcia while in active service.

The evidence included titles of properties including a unit in Trump Plaza, statements of assets, liabilities and net worth of the Garcias, certificates of registration of motor vehicles of the Garcias and a photocopy of a handwritten statement of Garcia's wife, Clarita, admitting that her family received millions of pesos in kickbacks from government contractors.
Assistant Special Prosecutor Joseph Capistrano said the evidence gathered by the Ombudsman showed "evidence of wealth but not evidence of plunder."
"Yes, you have evidence of wealth but not evidence of plunder. What you need to show is the evidence that showed Garcia received kickbacks and commissions," he said.
 Hindi ba pa ba sapat yong testimonial evidence na affidavit ng asawa? Physical evidence? Hindi ba sapat na napakarami nilang pera wala naman silang ibang pinagkakakitaan? Ano sila, masaya?

Umulan ba ng mga million at nakasalo sila ng mga three hundred million?

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. iba talaga kapag may pera..nakakabili kahit anong gusto..

    ReplyDelete
  2. arvin,
    may mga may pera, hindi pinangangalandakan na may pera sila.

    tingnan mo ako di ko sinasabing meron akong 2 dollars. hehehe. napulot ko na yang one cent.

    ReplyDelete