Dear insansapinas,
Sabi nga noong Congressman sa Zambales, menopausal bitch daw yong PAL attendant. I was into that Menopausal Biatch Moments
last Saturday when for the first time since hospital discharge, I got out from my cave to go to the international grocery store instead of the store nearby where you can't buy veggies other than for salads. I was rarin' to eat the local vegetables such as ampalaya, talong at saka mayroon pa. hmm hmmm hmmm
Grabeh. Unlike the store nearby where aisles are designed to accommodate at least two grocery carts, that international grocery store has aisles which can only allow one cart at a time. Tapos may mga tao pa akong nakakasabay na nagdadaldalan sa aisle habang naghihintay ang mga ibang gustong dumaan, (tingin sa likod, tingin sa harap). Meron naman, nakikipag-usap sa cell phone sa gitna ng aisle. HUSME. Take note walang Puti doon at wala ring Pinoy. (tingin sa salamin). Huwag ninyong itanong. Marunong na silang magtranslate ng blog. Huh. (hingang malalim, hingang mababaw).
Yon namang sa representative at stewardess ay wala akong masabi. Lumabas na naman ang mga HINDI MO BA AKO KILALA...yadah yadah yadah,
Ang alam ko, ayaw nilang magpalit ng upuan ang mga pasahero hanggang hindi naaacount lahat ang mga nasa manifesto. Baka nga may maiwan. Kaya ang pinakamadali ay ang huwag munang galawin ang original seating arrangement. Tapos pag nakalipad na at lahat na ay saka nila papayagan ang mga pasaherong magswitch ng upuan.
Nagkaroon din ako ng ganiyang klaseng request at sinabi sa akin ng flight attendant na Cool muna ako habang hindi pa nila nachcheck kung walang naiwan. Ayaw nilang may humahabol sa likod ng eruplano...kagaya ni Jim Currey sa LIAR, LIAR.
Pero maswerte pa tayo sa ating mga flight stewards at stewardesses. Ang kanilang ngiti ay nakakandado sa kanilang mukha. Mwehehe. Subukan ninyong sumakay sa ibang airline,baka hindi lang menopausal biatch ang inyong ma-meet. Meron noong mataas na flight stewardess na nagpatulong ako sa aking overhead baggage. Alam naman ninyong vertically challenged ako. Aba ang bruja, sabi ba naman sa akin, kung di ko kayang buhatin bakit ko raw dinala. Masama ba yon dalhin ko ang buo kung aparador? Nakachecked-in naman yong aking oven at fridge, mwahahaha,
Ipinakita ko yong aking wrist, may bandage. Oww, sabi niya. (Talagang yong binigay sa akin ng aking kaibigan na bandage works) Ahhhh. kailangan pala naikumpisal ko yon.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment