Thursday, January 27, 2011

Mahirap ang buhay?

Dear insansapinas,




Excuse mo lang kung umigkas ang kilay ko sa pahayag na ito:


"Dapat may insurance itong mga biktimang ito at ito ay isang aksidente na dapat mayroong managot. Kung wala naman talaga at nakikita natin na mahihirap itong mga taong ito, hindi na natin sila pagbabayarin dito sa ospital,” sambit ni Mayor Binay.
Puweda ba pakisapok lang ako ng frying pan. May doubt pa ba kung mahirap o hindi ang mga taong ito. Siguro kong hindi sila mahirap, hindi sila magtitiis sa maliit na sweldong mahigit lang 200 daan isang araw para itaya nila ang buhay paakyat-akyat sa mga matatayog na itinitayong building. 


Panoorin ninyo ang video kung saan nag-away ang contractor at isang manggagawa kung sino ang sasagot sa hospitalization ng mga biktima.



Mga tao ba ito? Na hahayaang mamatay ang mga biktima huwag lang sumagot ng pang-ospital?


Isa lamang naospital. Isa lamang ang babayaran para sa pagpapagamot. Pero dinala rin sa ospital ang mga nasawi at may bayad din yon.


Kung may power lang ang aking daliri, dudutdutin ko kayo para kayo maging buwaya. TSEHHH


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment