Monday, January 31, 2011

Gross Domestic Product of the Philippines in 2010

 Dear insansapinas,

Tuwang-tuwa silang inaannounce na lumaki ang Gross Domestic Product (ang GDP ay parang ruler na pansukat sa ekonomiya ng bansa. Ito ay kabuuan ng lahat ng productong ginawa dito sa Pilipinas,Kay Gandah Ko.


Ito ang excerpt ng balita.


The Philippine economy, as measured by the gross domestic product (GDP), expanded by 7.3 percent in 2010, the highest in 24 years. The growth was achieved on the back of a strong foreign trade performance and election spending. (Aha).
Pero kagaya nang sinabi ko noon, hindi ako nadadala ng average. Parang isda, pinagpuputol-putol ko.
Kaya itong average na ito ay pagpuputol-putolin ko by quarter. UHm UHm Ugm (purol ng aking itak).


Ito ang by quarter: 
Paderanga noted that from a strong start of 7.8 percent in the first quarter, GDP growth sustained its momentum during the next three quarters of 2010 – 8.2 percent in the second quarter, 6.3 percent in the third quarter and 7.1 percent in the fourth quarter.
Mataas ang growth rate na 7.8 per cent ng first quarter dahil nga sa election. Milyong kamiseta ang tinahi sa mga pabrikang natutulog at mga makinang kinakalawang. Nandoon pa ang mga silk screening businesses na naglalagay ng mga IBOTO si ----. Nandiyan ang milyong pamaypay, sumbrero at mga bracelet na pinamimigay. Hello Jamby. Ang mga sample ballots ay nangailangan ng maraming papel. Kaya marami ring pambalot ng tinapa.


Hindi lang yan, maraming pagkain ang mga niluluto para sa mga volunteers, mga supporters, mga leaders at mga ususero't ususera. Lahat pumasok yan sa GDP. Alisin mo ang eleksyon, hindi ganiyan kataas ang growth rate. Kung baga sa bulaklak ARTIFICIAL.


Second quarter, naging 8.2 per cent. Ito ang talagang buhos ang pera sa election. Gasolina, renta ng sasakyan, renta ng mga hotel, renta ng mga barko at eruplano; talagang labas lahat ang pera. Ito rin ang panahon ng enrollment ng mga bata. Kaya maraming uniporme ang tinahi; maraming notebooks ang ginawa, bag, payong ,sapatos, lapis. Lahat pumasok sa GDP. Nandoon pa ring ang election spending. Artificial growth pa rin.


Third quarter ay 6.3 na lang. Wala na ang eleksiyon, tapos na. Bagsak na ang GDP.


Fourth quarter, biglang taas. Naging 7.1 per cent. Hindi ito himala dahil WALANG HIMALA. tsoinkk. Ang growth rate ay dahil sa holiday spending ng mga tao. Takbuhan na naman sila sa Divisoria, sa mall, sa flea market para bumili ng mga panregalo at ng mga  pagkaing ihahanda. Uwian din ang mga OFWs, Balikbayan. Gastos sa pagpapagawa ng bahay, gastos papunta sa mga beaches at gastos sa mga gumaraming kamag-anak. PLOINK.


Idagdag mo ang remittances ng mga OFWs at ang mga kinita ng mga negosyong nasa ibang bansa na ang kalahati siguro ay pinadadala sa Pinas at ang kalahati ay maaring dineposito na sa foreign banks, meron na tayong Gross National Product na tumaas daw ng 7.1 per cent. Ang pagtaas ay dahil sa tumaas din ang remittances ng mga Pinoy overseas. Maraming nanghuhula na babagsak yon pero hindi. Kahit saang dako ng mundo may Pinoy. Nang hindi pa nagkakagulo sa Egypt, mayroon akong mga readers doon. Palagay ko mga Pinoy. Alangan namang mga mummy yon. Eeeeek.


Hintayin next year kung tataas talaga ang GDP. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment