Tuesday, January 11, 2011

Fiancee Visa

Dear insansapinas, 


One of my three readers was worried that I was not posting as often as I did like before. Saksakan ka ba naman ng maraming gamot, kung papawis ako ngayon, mangangamoy pharmacy ang bahay; kung pumunta naman ako sa toilet, mangangamoy ospital. (Uberexagg)medyo binabalanse ko rin ang aking paglakad, parang tabingi ang carpet. mwahaha


Anyway, tumawag ang aking kaibigan galing sa Pinas. Long distance syempre. Siya yong ikakasal. Noong sinabi niyang ikakasal siya, tinanong ko bakit hindi na lang fiancee visa niya para madali niyang makuha ang mapapangasawa niya dito. (Bumalik siya sa Pinas at nagtatrabaho doon pero US sixty cent na siya). Sabi niya kasi gusto raw ng nobya niya, kasal sa simbahan at sa Pinas. 


Eh sabi ko pwede naman yon. Ipetition muna niya as fiancee. Pagdating sa US, pakasal sila, kunin kahit conditional green card, uwi ng Pinas, tapos pakasal sa simbahan doon tapos balik States. Ganoon kasimple.


Kung pakakasal sila, babalik din dito ang aking kaibigan na hindi pa kasama ang asawa. Ipepitition siya as a wife pero kailangan nandito siya. Maghihintay ang asawa niya sa petition na mas matagal pa.


Napag-usapan yata nila at ayaw noong fiancee na maiwan kaya kukuha na raw ng tourist visa bago magpakasal. Sabi ko ang hirap noon kasi single siya. Pag sinabi naman niyang ikakasal siya sa US sixty cent, aadvisan siya maghintay na lang ng petition. Siyempre ayaw paiwan at baka makalimutan siya RAW ng aking kaibigan. Sana raw sinunod na lang nila ang advise ko noon. 


Sasabihin daw niya dadalawin ang kaniyang kapatid. Well kung mabait yong magiinterview sa kaniya baka buksan pa ang mga documents niya. Kung hindi naman maganda ang pagkagising sasabihin siya bakit niya dadalawin, maysakit ba, doktor ba siya, yada yada.


First attempt nga raw niya, denied kaagad. 


Sabi ko pag single talagang deny kaagad kasi baka mag-asawa dito sa US at hindi na umuwi.


Naririndi na rin ang aking kaibigan. Pati raw baptismal certificate diyan may expiry date at dapat daw may nakastamp na for marriage purposes only? Mayganon? 


Oh by the way dito pala inorder ang bridal gown sa US kasi mas mura pala kaysa Pinas. Kaya yong mga nagmamalaki na made to order pa sa USA ang gown nila, take note. MURA PA RITO SA STATES. Tseh.



Sabi ko good luck sa application ng girl friend niya kasi ang mga nasaembassy diyan, trinain yata para malaman kung ang tao ay nagsisinungaling o nambobola thru the movement of the eyes, breathing at mga iba pang body movements. 

 I advised him to file a K-3 visa. It is a non-immigrant visa for the spouse and children of a US citizen so that they can come to the US and wait for the green card processing.


Pinaysamerika

No comments:

Post a Comment