Dear insansapinas,
Hindi pa po ako retired. Matagal pa bago ko maenjoy ang inihulog ko sa Social Security ni Uncle Sam pero madalas na po ang aking senior moments.
Sabagay bata pa ako marami na akong senior moments. Kagaya noong minsan, lumabas ako sa sala, may hawak ng kutsilyo. Tanong sa akin ng aking bisita, aanuhin mo ang kutsilyo? Tiningnan ko ang kutsilyo. Hindi ko maalala bakit ako may hawak ng kutsilyo. Sabi ko sa bisita ko, alam ko may gigilitan ako pero hindi ko maalala sino. Ngggggiiiii. Yon pala dapat ang kinuha ko tinidor. Pantusok ng meriendang inihanda ko. Bwahaha.
Kahapon, mayroon na naman akong senior moments. Tinatapos ko kasi yong POSTCARD KILLERS ni James Patterson. Nasa last chapter na ako. Yong mahuhuli na nila yong dalawang magkapatid na pumapatay sa Europe for the sake of ART. (hindi po tao yong art, yon po ang mga kinulapol na mga pintura sa canvas na kahit ang mga pintor hindi nila alam ang kanilang ginagawa, ahek. O diva yong pinsan ko nanalo sa abstract painting. Itinapon na raw niya sa basura yon pero niretrieve ng nanay niya at isinali sa contest . O kaya mga sculpture na hindi mo maintindihan kung baligtad ba ang mga yon, nakahiga o basta na lang metal na iniwan sa isang plaza).
Balik tayo sa senior moments. Iniwan ko ang libro sa couch para kunin ang jar ng moisturizer at pampaalis ng mga patay na skin sa bathroom . Oo Birhinya, dahil sa mainit na tubig ang ginagamit ko (kahit na mayroon akong gloves) nagdadry ang aking kamay kaya nagbabalat siya.
Balik ako sa living room. Apply ko ang moisturizer habang tinatapos ko ang novel. Haaah. Ano? Hindi lang sila ang pumapatay?
Naalala ko iinom pala ako ng gamot. Tayo ako. Dala-dala ko ang jar ng moisturizer, ibabalik ko sa bathroom.
Bago ako pumasok sa bathroon, dumaan muna ako sa bedroom ko para kunin ang aking thermos bottle na may lamang tea. (ginagamit ko pag inom ng aking sandosenang gamot).
Pasok ako sa bathroom. Balik sa dining room. Abot ng pill box. Kuha ng walong pills para sa morning. Lagay lahat sa mouth. Abot ng thermos bottle. WALA. WALA. Nasaan ang thermos? Hindi ako mamatay sa sakit. Sa katangahan ako mamatay, sa isip ko. Para ko ng nakikita sa tabloid dito: Headline. A beautiful woman (Ahek, hehehe walang kokontra) died of choking by her pills. Nyek nyek nyek.
Natutunaw ang mga pills sa aking dila. PAIT, Ate. Hinanap ko ang thermos. Sinundan ko pabalik ang pinuntahan ko. Pero parang alam ko na kung nasaan. TAMA, nasa bathroom pantry. Kasama ng mga iba pang mga pamahid sa katawan, shampoo, sabon na hindi pa nabubuksan. Toinkk.
Mas malala ang sa kapatid ko. Mas bata siya sa akin.
Isang umaga papasok siya sa trabaho. Rinnggggg. Cell phone niya. Nasa sasakyan na siya. Tanong sa akin.
May nakikita ka bang basura diyan sa may pinto. Anong basura tanong ko naman habang subo ako ng sangwich. Yong basura na itatapon ko, sabi niya. (mayroon malaking trash bin sa community kung saan pinipick-up ang basura. Shape itong maliit na bahay)
Hindi mo ba dala? tanong ko. Hinahanap ko nga, sagot niya. ALA. Baka naglakad. Tumakas. Hinanap ko. Wala naman sa pagbukas ng pinto. Binuksan ko ang pinto. Wala naman sa labas. Dahil kung nandoon sa labas. Baka kumatok na yon. Hajajaja.
Ganoon yong kapatid ko pag may dinidesign na kung ano ba para sa system nila. May senior moments din. Mas gusto nilang sabihing absent-minded.
Parang kagaya ko rin. Madalas maghatch ako ng ideas sa shower. Tagal ko sa bathroom. Dahil mainit ang tubig, para akong nilitson sa pula eheste sa itim pala paglabas. Kulang na lang matuklap ang aking balat sa tagal ko sa ilalim ng shower. O kaya magdala ng kape at gatas. May mainit na tubig na.
Minsan ganoon ang ginawa ko noong nasa SF ako. Tagal ko rin sa shower. Nag-iisa lang ako dahil alam ko yong aking housemate, pumasok na sa ospital. Labas ako sa bathroom, nag-iisip pa rin. Biglang, AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.
Yong housemate ko sumigaw. Bumalik pala.
Tanong. Bakit ka walang damit?
Tseh.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment