Dear insansapinas,
Nakulong ako sa bahay as in ayaw bumukas ang deadbolt. Panic mode ako. Tawag ako ng maintenance. Akala ko kukuha na siya ng chainsaw o drill para ako mabuksan.
Eh ano ang relasyon nito sa title ko.?
Ito ang pwedena mentality doon sa maintenance na nagrepair noong lock namin. Ganito yon.
Noong Tuesday, habang kausap ko ang kaibigan ko na tumawag galing sa Pilipinas ka Ganda Koh para lang ireklamo ang kaniyang fiancee (tsismis noh), ginagawa noong maintenance yong pinto namin. Tagal niyang ginawa. Baka nakadalawang card yong kaibigan ko bago siya nakatapos. Pinatry niya sa akin kung nagwowork na. Triny ko naman ng aking susi. Omokey naman pero hindi ako satisfied. Para bang pwedena quality.
Umaga nang Wednesday, nakabihis na ako at lahat. Dala ko na ang aking magic broomstick. Ala, ayaw bumukas ng dead bolt. Paano na lang kung magkasunog. Paano na lang kung may earthquake. Paano na lang kung may storm. OA ko naman. O sampal sa sarili.
Sabi ko sa kausap ko ASAP. Dumating yong nag-ayos kahapon. Sus. Ignore ko siya. Biruin mo hindi ako makalabas sa bahay. Kulang na lang sumigaw ako ng IBALIK NINYO AKO SA PILIPINAS para makataya ako ng lotto. Toinkkk.
Ang sabi ng iba, ang mga Filipino raw lang ang mgay pwedena mentality. Tingnan mo lang ang mga Executive Orders na gawa ng Student Council Government ng Malacanan, palaging palpak kasi sinasubmit lang ng walang research research dahil sanay sila na ang mga Filipino ay tatanggapain ang pwedena, basta gawa ng kanilang mga kakulay sa pulitika.
Batuhan na ng susi.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment