Saturday, December 11, 2010

Parental Alienation Syndrome and Reactive Attachment Disorder

 Dear insansapinas,
 photocredit:MSNBC
Sa recent episode ng bagong Law and Order -Los Angeles, ang story ay inspired ng kaso ni Tiger Woods although siyempre may murder na nangyari at ang anak ng sikat na golfer ang napagbintangang siyang pumatay sa mistress ng ama. 


Habang nililitis ang kaso ng pagpaay, isa pang kaso na sangkot ang ina dahil siya ang sinisisi ng DA kung bakit pumatay ang bata. Brainwash ang akusasyon niya at ang pagpamulat sa bata na masama ang kaniyang ama. Ito ang PAS or Parental Aleination Syndrome.


Madalas sa mga naghihiwalay na mag-asawa ang nagiging guilty sa ganitong pagiinfluensiya ng magulang. Hindi rin lang magulang, pati mga kamag-anak din nakikisali sa paninira ng isang magulang na nahiwalay. 

Sa episode, hindi naman pinayagan ng korte na gamitin ang PAS para maisangkot ang ina sa pagmulat na halimaw ang kaniyang sex addicted na ama. Sa bandang huli, para lang mailigtas ang anak, pumayag ang ama na aminin ang kasalanan. Hindi nagpatalo ang ina, siya ang umamin. Ayaw niyang maging hero ang kaniyang asawa sa mata ng anak. Maligalig talaga ang babae.


Sa Law and Order SVU naman ay may mga bata silang iniligtas sa pag-aabuso ng mga foster parents nito pagktapos silang iwanan ng kanilang mga magulang. Panay galit ang nasa katauhan ng mga bata. Kahit na anong pagmamahal ang ibigay sa kanila, hindi sila makabigay ng tamang response. Isang bata ang tinangkang patayin ang policewoman na umampon sa kaniya. Ang kaniyang dahilan, para di na raw sila magkahiwalay dahil first time siyang may nagmahal sa kaniya. May term din sila dito. Ito ang Reactive attachment disorder (RAD).

It is described in clinical literature as a severe and relatively uncommon disorder that can affect children. RAD is characterized by markedly disturbed and developmentally inappropriate ways of relating socially in most contexts. It can take the form of a persistent failure to initiate or respond to most social interactions in a developmentally appropriate way—known as the "inhibited" form—or can present itself as indiscriminate sociability, such as excessive familiarity with relative strangers—known as the "disinhibited form".


Ang isa kong kaibigan na dalaga noon ay inampon ang isang bata na iniwan ng babaeng hindi makapagbayad sa ospital. Bata pa lang naobserbahan ko na kakatuwa ang bata. Siya yong may hawak palaging itak at minsan ay tinutusok tusok niya ako habang nasa labas siya ng bintana. Lumaki yon na maligalig din. Hindi nag-aral, nabarkada at madalas pabalik-balik sa bahay ng aking kaibigan pagkatapos maglayas. Hindi ko nakita siyang ngumiti. Ang kaniyang mga sulya ay pailalim. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment