Thursday, December 02, 2010

GNP versus GDP

Dear insansapinas,
Minsan may pinalalampas akong mga writer o columnist na hindi nila alam ang kanilang isinusulat pero sige pa rin ang sulat nila kahit mali. Pero ito hindi ko mapapalampas.

Ito ang isinulat ni Jake Macasaet sa Abante: GNP walang kabuluhan

Sinasabi ng estadistika ng gobyerno na bumagal daw ng konti ang paglago ng ekonomiya base sa Gross National Product (GNP) na umabot sa 6.5 percent noong buwan ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Sang-ayon sa mga ekonomista ang GNP raw ay kabuuang halaga ng serbisyo at produkto ng nagawa ng bansa sa loob ng isang panahon.
Ang GNP ay walang kabuluhan sa mga mahihirap, tumaas man ito o bumagsak. Ganun pa rin ang kanilang kabuhayan. Kulang ang pagkain sa hapag. Walang kuwartang pampagamot kung magkasakit.
Siksikan ang mga Grade I sa maliit na silid-aralan dahil tuwing magbubukas ang klase kulang ang classroom para sa mga Grade I.




Ano ang mga mali sa sinulat niya?

2. Isa, hindi GNP ang  lumago lang ng 6.5 per cent. Ito ay ang GDP.


MANILA, Philippines—Growth of the Philippine economy slowed to 6.5 percent in the July-September period from that of the previous year as government spending eased while the country’s agriculture output declined due to the El NiƱo weather disturbance.
Romulo A. Virola, secretary general of the National Statistical Coordination Board, said in a briefing that the growth of the economy, as measured by the gross domestic product (GDP), during the first nine months of the year was the highest “honeymoon growth” since the Ramos administration.
GDP refers to all goods produced and services rendered and paid for within an economy at a given time.

Ang GNP naman ay: 

Gross National Product (GNP) is the market value of all goods and services produced in one year by labor and property supplied by the residents of a country.

Ang kaibahan ng GNP at GDP:

Gross National Product (GNP) is often contrasted with Gross Domestic Product (GDP). While GNP measures the output generated by a country's enterprises - whether physically located domestically or abroad - GDP measures the total output produced within a country's borders - whether produced by that country's own firms or not.



2. Ikalawang mali:

Ang GDP o sinasabi niyang GNP ay hindi para sa buwan ng Oktubre. Ang GDP ay pinalalabas quarterly. Kaya ang GDP na ion ay para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

3. Ikatlong mali: Sabi niya: 
Ang GNP ay walang kabuluhan sa mga mahihirap, tumaas man ito o bumagsak. Ganun pa rin ang kanilang kabuhayan. Kulang ang pagkain sa hapag. Walang kuwartang pampagamot kung magkasakit.


Ang GDP ang nagpapakita kung ilan ang produksiyon ng agrikultura na siyang nagsasabi kong ang mga magsasaka ay kumita. Ang rason nga ng mga ekonomista kaya raw bumagsak ang produksiyon ay dahil sa El Nino.



Tumaas man ang GDP, hindi ibig sabihin nito ay nabawasan ang mahihirap dahil marami pang ibang dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao. Isa na ang corruption, isa ang malaking populasyon at isa pa ay ang mga incompetent na public servants. 


Sana bago magsulat ang mga taong ito ay magbasa muna sila o kaya ay tumahimik na lang sila. Naalala ko tuloy yong nagsulat na nagmamarunong-runungan sa Accounting na isang anak ng kilalang tao. Halata mo namang walang alam pero palusot pa rin. Naibigay na yata ang pabor na hiningi niya dahil nanalo ang kaniyang kandidato.


Batuhan na ng mga diyaryo. 


Pinaysaamerika 

No comments:

Post a Comment