Thursday, November 18, 2010

Power of Attorney, Notary Public at si Anthony Zuiker

Dear insansapinas,

Anthony Zuiker who? Siya ang creator ng CSI.Mayroon siyang novel, Dark Prophecy. Kung napanood ninyo ang episode ni Sqweggel, yong serial killer na nakasuot ng itim na lycra, continuation yon. Tatlong araw ko nang binabasa, di ko matapos. Ipinasoli ko na iyong isang dosenang novel na hindi ko binabasa. Wala akong ganang magbasa ngayon.


Tatlong araw na rin akong nagtatype para sa aking power of attorney at directive for health care. Yong directive para instruction kung ikakabit ka pa sa mga machines o isasubject ka pa sa mga trial treatment nila. Hindi na oy.  Kailangan yon dito para alam nila kung sino ang kakausapin kapag mentally incapacitated na ang pasyente. Isang linya, pahinga.Isang type, panood ng TV. Isang type ulit, inaantok. 


Kailangan pa notaryohan. Ang notary public naman dito ay hindi abugado. Sa aming office namin, yon palang secretary ay notary public. Sa atin kailangan pang magtapos ng law degree para makapagnotaryo. Ohoy.



Kaya tinawagan ko si Lorena .Usap kami tungkol sa SF. Tungkol sa lighweight na mga Cabinet Secretaries, ayon kay Senator 
Miriam Defensor Santiago at ang HIC and MISS administration ng mga cabinet secretaries.
 

May nagcomment sa akin, ano raw ba ang ibig sabihin ng cabinet secretaries.



Gusto kong sagutin, yong mga secretaries na kumukuha ng wine goblet sa cabinet sa kitchen.  Tapos nagcocompare sila ng mga wine naiinom nila. Bwahaha.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. feel free to call me, lagi naman ako sa bahay pag Sat n Ssunday, tapos, next week two days offf Thanksgiving woohoo, tapos December na request uli ako ng mga off para magamit ko na yang furlough na yan at Personal Development Day san kaya ako pupunta? sa spa? thats $100.00 manicure pedicure array thats $50.00 ano, hindi naman daw kelangan ng explanation at documentation if we take the PDD bwa ha ha ha ha, basta kami daw ang bahala sa expenses

    ReplyDelete
  2. talagang bakasyon grande anoh.

    ReplyDelete