Thursday, November 11, 2010

Mayroon Ba Talagang Himala? Mayroon pa bang Ikalawa?

 Dear insansapinas,

Natouched naman ako sa e-mails ni Lee at ni Ann. Alam mo naman si Lee, umiiyak na nagpapatawa pa, parang ako. 
Hindi lang siya makapagcomment dahil hindi lang bundok ang napuntahan nila kung hindi talagang sa dulo ng daigdig.
Sulat niya:

pero ica cancel ko na yung prayers ko na maipalit na lang yung isa nalang ang ipe pray ko, yung sana makasama kapa namin ng matagal at makapag blog kapa ng matagal at maraming taon...
 
ica cancel ko nayung maincreasan sweldo ko at ica cancel ko na rin yung makalayas nako dito, ica cancel ko narin yung dapat sana at the age of 50 tepok nako kasi napapagod nako, ica cancel ko na rin yung prayer kong sana alisin na yung nakatanim na vetsin sa dila ko para wala nakong gana palaging kumain at para dinako palaging gutom, ica cancel ko narin yung..., teka mamya paguwi sa haus iche check ko yung listahan ko ang dami kasi
Ang isa pa niyang request ay magpapahid ako ng oil. Siguro at that time na ginagawa niya ang letter na hindi ko pa nababasa, kumati ang aking daliri dahil dry. Ayokong mamissed ang ending ng Undercovers para kunin ang aking lotion kaya inabot ko na lang ang holy oil na ipinadala sa akin ng kaibigan ko galing sa Jerusalem. Nakapatong ito sa aking mini-desk.  Ginawa ko pinahid ko rin sa aking tiyan kung saan may sakit. Ang tanong, mayroon pa kayang ikalawang himala. Baka sabihin sa akin ni LORD, sumosobra ka na.


Ang unang bout ko sa C ay nakatala sa aking My Healing Testimonial.Nakahanda na rin ako noon, pero nandoon pa rin ang aking kaunting why Lord? Kung kailan mageenjoy na ko ng aking buhay na tapos na ang aking mga responsibilities sa aking mga dependents. Tapos parang Nora Aunor, may himala.


Ang ikalawa kaya ay ang ending ng picture. Walang Himala?


Ano man ang ending, tanggap ko na. WHAAAAAAAAA, magugulo ang universe.


Bawal ang umiyak. Walang libreng kleenex. 


Pinaysaamerika

2 comments: