Dear insansapinas,
At last there was already a winner for the much coveted 700 million plus lotto in the Philippines. Would there be a public presentation of the winner (photoop) receiving a big facsimile of a check? Baka yong mga hold-uppers, kidnappers at mga kamag-anak nakaabang na.
Ang swerte naman niyan. Isa lang buyer. Dito kasi noon pag ganiyang malalaki, maraming winners kasi people pooled their money and bought as many number combinations as possible. Kasama ako diyan noon sa isang opisina. We're given the photocopies of the lotto tickets so we can check if we won. Sometimes we won several numbers so we used the winnings to buy another set of tickets...until the person responsible for the buying "disappeared." No we did not win a big sum of money but considering lots of tickets bought, malaki na sa kaniya yon. Leechzee, pinagpalit yong trabaho niya sa maliit na pera na would last only for a few months.
Then one Filipino family won the lotto. Makabagbag damdamin ang istorya nila. Inaapi sila ng mga kamag-anak nila dito sa States, tapos bumili siya ng number na combination ng birthdays ng mga anak niya. Voila, instant millionaires.
Hindi ko alam kung they lived happily ever after kasi baka ang pinili nila ay yong monthly checks at hindi yong cash.
Noong umalis ako sa Pilipinas,Kay Gandah ko, wala pang lotto. Lottery meron. Yong may catchphrase na, the Quitter Never wins, the Winner Never Quits sweepstakes.
May mga kuwento noon na luto ang lottery. Sabi ko Ows? Paano nila maluluto? Sinigang, fried, adobo, o ginisa?
Pagdating ko dito sa States, itinuro sa akin ang bahay ng isang kilalang pulitiko na limang beses daw nanalo sa lottery. TALABA? Ang kuwento eh, hinahanap talaga noong Opisyal (RIP) na siya yong mga nanalo at binibili yong winnings para mailaundry niya yong mga corruptions niya siguro.
Di ba noong 1990, si Mayor Lim ay siyang nagdraw ng lottery noon para ipakita na walang lutuan. Tapos siya ang nanalo. Beating the Odds.
May kakilala ako na may kakilalang nanalo ng lottery. Nasa bangko raw siya para ideposito ang check na pinanalunan niya (milyon) nang biglang may bank robbery. Para lang hindi na makuha yong tseke niya, ibinigay niya yong susi ng luma nilang kotse para sakyan ng mga robbers sa kanilang pagtakas. EXCITING di va?
At may nobela akong nabasa kung paano ang lotto ay na rigged ng isang psycopath na ipinapanalo ang mga pinipili niyang mga tao pagkatapos ay kinukuha niya ang pinanalunan at ininvest with the promise na ibibigay ito ulit after ten years with compounded interest.Paano nga narigged? isip, isip.
Ang condition lang ay huwag babalik sa US ang nanalo.Tapos ang dami ng mga murders na naganap. Siyempre, naligtas ang bida pero nawala sa kaniya ang lahat niyang pera dahil kinuha ni Uncle Sam. Back taxes. Winner ulit si Uncle Sam. (sigh).
Now balik tayo sa luto eheste lotto ng Pinas. Luto nga ba? Sana meron akong mga resources kagaya ng NCIS na lahat ng activities ng tao ay namomonitor kahit ang pagbili ng condom sa isang convenience store.
Kung ako ang nanalo ng lotto, pagsasasampalin ko ang mga kakilala ko. Ng Balato. Pero magpapaplastic surgery na ako para di ako makilala ng aking mga kamag-anak na tiyak ay bababa mula sa pinakamataas na bundok, pinakamalalim na dagat at pinakaliblib na forest. Si Jose Rizal kaya nanalo sa lotto noon?
Batuhan na ng mga lotto tickets na hindi nanalo.Yehey
Pinaysaamerika
noon nag wowork pa ako sa Woolworth, nangangawit ang kamay ko ka eenter ng lotto #s kasi yong mga seniors pag natanggap na yong ppension nila hala bili na ng lotto minsan may bumili ng $500.00,hindi na yata ako nakapagbreak sa dami ng binili niya
ReplyDeletegrabeh naman yan. 500 dollars? Eh kung 5 dollars lang nilalagnat na ako. hehehe
ReplyDelete