Dear insansapinas,
Maliit na Butas
May butas ang aking suot na pj. Kung makikita ako ng kaibigan kong may pagkapilyo, lilimusan siguro ako ng dollar. hehehe.
Ayaw ko pang isuko ito sa recycle bin. Nagsimula itong butas na kasinlaki lang ng kalahati ng penny. Kalalaba, kahihila, lumaki ng lumaki. Tuwing makikita ko noon gusto kong tahiin pero hindi natutuloy. Winter na naman kaya ang mga shorts ko ay nakaimbak na naman sa closet at ang mga pantalon ang nakalabas.
The Battle of networks
Siguro kong nagbabasa kayo ng showbiz, makikita ninyo ang battle for ratings ng dalawang malaking networks, ang ABS CBN at ang GMA at ang wannabe-the-biggest, ang TV5 sa time slot na nakalaan sa news program/
Sa pagpasok ng Willing Willie, nashake ang pundasyon na ang oras na yon ay para sa mga balita lang. So far talo ng WW ang TV Patrol kung saan magkatambal si KK (Kabayan at Korina).
Ito ay dahil lang sa isang gisi o maliit na butas na hindi kaagad inaagapang masolve ng management ng ABS CBN. Akala ng mga nagbabalita a hindi sila apektado sa mga intriga na nangyari sa entertainment pero ito na ang naging resulta. Hindi ko pinapanigan at hindi ako tagahanga ni Willie pero sa akin na hinasa sa business, bilib ako sa foresight nya at sa kaniyang pagpursigi ng kaniyang mga target. Kung hindi, hindi siya pagkakagastusan ni MVP ng milyon milyong pesoses sa kaniyang mga idea.
Yan ang leksiyon ng Maliit na Butas
Love Story
Nakatanggap ako ng tawag sa aking kaibigang lalaki. Siya yong walang suwerte sa hinahanap niyang mapapangasawa.
Ang una ay may-asawa na pinabilib siya na hiwalay na sila. Meron akong ginawang istorya, hindi ko alam kung tapos ko. Ikalawa ay ang isang babae na hinangad lang ang makapunta sa Amerika.
Ngayon nakakita na siya ng babaeng papakasalan. Namanhikan na ang kaniyang nanay na lumipad pa galing sa Amerika. Kababayan ko ang babae at isang dentista. Sabi niya sa akin puwede ko nang tuldukan ang love story niya.
Sweet naman.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment