Dear insansapinas,
Nakakaupo na ako nang mas matagal. Nakapaligo na ako at napalitan ko na ang aking dressing. Imbes na 100 islands, italian dressing na. mwehehe. Tanong ng aking fwend kung paano ako sini CAT Scan. Ito idimonstrate ko.
Taas ang dalawang kamay, titingnan ka ng pusa kagaya ng nasa ibaba.
photo bigay ni bayi.
Pipikit ang mata ng kaunti habang panay ang tugatong ng kaniyang paw. Pag pinalaki niya ulit ang mata, ayun nakaCat scan ka na. Meow.
Triny muna ng doctor kung pwede yong ultrasound, sabi niya hindi raw pwede kaya CAT scan ulit kahit katatapos ko lang noong isang Linggo. Sa radiation eh puede na akong mag glow sa dark. toink.
Kailangan kasi makita nila kung saan ako bubutasan para maabot ang aking lamang loob. Yon bang swak na swak. Hindi kagaya last year, dalawang beses nilang ginawa. Sus, pinagpraktisan.
Wala pa ang resulta ng biopsy sa kinuha sa akin. So nakabitin pa ako. Minsan naiinis na ako. Ikatlong taon na ito. Sabi nga noong radiologist. I remember you. Uh? Last year, naalala niya last year ako yong "tumalon" sa gurney kasi talagang ihing-ihi na ako. Dala-dala ko lahat ang nakasabit sa akin. Nahulog pa yong isang machine. Sira. Pati ang aking IV nahulog kaya pati dugo ko palabas. *heh*
Ngayon, nilagyan na naman nila ako ng IV para sa meds, sedative at iba pa. Gustong gamitin yong palad ko na blue-black pa dahil sa maling pagtusok ng nurse. May mapa ng New Zealand
Sabi niya hindi raw niya gagawin sa akin. Sus. Hanggang ngayon may blue-black ako sa aking bisig. Mapa ng Australia. Hindi rin ako pwedeng sumali sa arms wrestling kung ilang Linggo. Masakit eh. Boink.
Hindi pa siya focus. Una, hinigit niya yong elastic band ko sa aking arms para makita niya ang ugat. Tapos umalis siya. Leche, sakit. Balik siya, pinunasan ng alcohol yong aking balat. Alis na naman siya. Memya dumating. Ay salamat, naalala rin ako.
Pagkatapos nagkagulo. Takbo siya. Sa pagmamadali niya muntik pa niyang masabit yong aking IV. May nagcardiac arrest yata sa kabilang room. Help. iniwan akong nag-iisa. Nang bumalik siya gusto kong itali sa kaniya yong plastic tube ng IV. Sus. Sabi sa akin, blood pressure ko raw tumaas from 130 to 150 kaya hintay muna. Eh sino ba naman ang hindi tataas ang blood pressure. Roll eyes.
Nilagyan na niya ako ng oxygen. Swok, hindi tumama sa butas ng ilong ko. Malaki naman ang butas ng aking ilong. Pag suminghot ako, baka madala pa yong medicine cart sa tabi ko eh.
Makakatulog daw ako. *heh*.
Minsan naiinis na ako ng sumunod sa mga specialista pero pag nababasa ko ang mga kaso ng tao na hindi lang ang sakit ang kanilang pinorpoblema kung hindi pati ng gagastusin, nagpapasalamat pa rin ako at nakapagprovide ako sa aking pangangailangan. The health issue is genetic.
"I must have done something good" . kanta nga ni Julie Andrews.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment