Dear insansapinas,
So, dumaan ang All Saints' Day. I switched off my radar momentarily because I was awake the whole night, the other night.Ang daming ghosts gustong mag "Tweet".
Yesterday, I was downed by a whooping cough that I put the vase of flowers outside thinking that it was causing me allergy. Hindi pala. Mali. Tama pa rin ang mother ko. Sabi niya, huwag raw akong maliligo pag lalabas ako at malamig ang panahon. Wisik-wisik lang o kaya shower na walang basaan ang buhok. Mahaba na kasi ang buhok ko, kaya feeling ko na maganda ako. *hic* Sensiya na, nakailang cups na ako ng cough syrup. Anong araw na ba ngayon. O confused na. Election na ngayon. Ganiyan katahimik dito kahit election. Diyan sa Pinas eh parang karnabal. Hindi ako makaboto kasi nga baka bitbitin nila ako palabas ng building pag nagsimula akong "tumahol". Besides, nagrerelax ako. May appointment na naman ako sa ospital para sa minor operation. Minor, kasi imbes na one meter ang haba ng needle, one foot lang. bwahaha.
Eh ano ba yong better late than never. Nagtatype ako ng aking iba-blog bago ako magbreakfast ng tira ng inihanda ko sa Nov. 1 para sa mga kaluluwa. Oo Birhinya, dala ko pa rin ang tradition na yan na kinatakutan ko noong bata pa ako ang maghanda ng pagkain para sa mga kaluluwa. Akala ko noong bata ako, talagang makikita ko noon na may uupo at kakain at iboblow yong kandila.
Nakasara ang aking pinto sa kuwarto. Nakasara rin ang pinto ng bedroom ng kapatid ko na pumunta na sa prisinto bago papasok sa trabaho. Opo, hindi holiday ang election day dito. Hindi kagaya sa Pilipinas na barangay election lang, wala ng pasok.
Biglang BLAAAG. Tunog ng nagsarang pinto ng malakas. Labas ako sa kwarto. Check ng mga pintos (plural). Nakasara rin naman lahat kagaya ng dati. Nagpapansin? Oy pare, late ka, kahapon ang All Saints' Day. Ooops,nakaon pala yong aking radar. Maisara nga.
Pinaysaamerika
PS. Ayan nagbibreakfast na ako habang nanonood ng LAw ang Order marathon. Umiinom ako ng tea-coffee. OO Birhinya. . Ininit ko kasi yong tea ko. (Aba eh sayang ikalimangdaan pa lang naman kung iniinit yong tea bag na yon).
Dalawa kasi ang iniinom ko, tea at coffee sa morning.
Coffee para malamnan ang sikmura ko bago ako uminom ng aking isang medicine cabinet na meds at tea para sa aking pampatunaw kung may tutunawin. ek.
Ngayong umaga, nilagyan ko ng coffee at creamer yong ininit kong tea. Tapos hinanap ko kung nasaan ang aking tea. I found it. Pag-inom ko ng nasa cup. TeaCoffee ang taste. It sucks.
No comments:
Post a Comment