Thursday, November 25, 2010

Bakit? Thanksgiving

Dear insansapinas,

Part of me wants to stay in bed and read a book. Part of me wants to sit in my computer chair and write but the phone kept on ringing. There are moments when I like to lie down in  fetal position and just dream away.(uber bang dramatic?)
A photo on Flickr

Today is thanksgiving day. I would like  to thank  my stylist who takes care of my hair, fixes my clothes and removes lint in my shirt. Sandali iba pala yong taong yon. ito pala sila.
http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/11/25/10/liz-uy-dumps-pnoy#ooid=RxZnN1MTpc1ts2trytTQ5cBuoksT1oUY
 sa aking designer na inspired ng ukay-ukay at sa aking sapatos na combat shoes. (uber corni ba?)


Pero kausap ko si Bossing kanina.Ito ang tanscript ng aming usapan lest gusto ninyong mag-usisa. I have so many blessings to thank for.

Me: Bossing, higit sa lahat nagpapasalamat ako dahil binigyan mo ako ng buhay.


Bossing: Buti hindi pa uso noon ang condom.
Me: Ang gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo pa ako kinuha noong nakalimutan ko ng huminga bago pa man ako nabinyagan.
Bossing: Bah, kulitin ba naman ako ng mother mo na pahingahin ka ulit at nagpromise siya na magiging mabait kang bata.
Me: Pero bakit di mo pa rin ako kinuha noong nalunod ako at nag-give up na ang mga naghanap sa akin. Bata pa ako para matakot.
Bossing: Kasi kamamatay lang ng dalawang kapatid mong sumunod saiyo . Pag kinuha pa kita, baka sabihin naman ng mother mo sumusobra na ako.
Me: Bakit hindi mo pa ako kinuha ng mastroke ako noon at sinusundo na ako ng aking erpats?
Bossing: Sabi ng erpats mo madrama ka lang daw. Balak ka lang takutin  para tumigil ka na kawawhine.

Me: Bakit di mo pa ako kinuha noong nawalan ako ng malay dahil sa taas ng aking blood glucose?
Bossing: Kasi may isa pang pinag-aaral ka. Eh alam kong kukulitin mo ako.
Me: Bakit di mo pa ako kinuha noong 3 years ago?
Bossing: kasi marami ka pang emotional baggage noon.
Me: Ngayon ba wala na?
Bossing: Meron pa pero kasya na lang sa backpack. Noon, isang malaking suitcase.


Pinaysaamerika

6 comments:

  1. Anonymous9:13 PM

    sigh!
    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous5:13 AM

    mam ikaw ba yang nasa picture?yan yung tinatanong ko sayo nun kung ikaw ba yan kasi my picture akong iyang iyan ang mukha ko pati buhok,hanapin ko kung makita ko pa ha (nasa pinas hehe) 21 yrs old ako (kapal ng mukha ko na magkamukha tayo ahahaha).

    ReplyDelete
  3. ako nga yan. pero wala akog nunal sa baba, dumi lang yan kasi nirestore ko lang yan sa pagkakapunit-punit. pinagtagpi-tagpi ko lang . baka ikaw ang nawawala kong kambal lalo sa kalokohan. hehehehe

    ReplyDelete
  4. Anonymous12:56 AM

    wehehe.
    kainis,kahapon pag open ko netong blog mo isa palang tong na nasilip ko e nagluko nat dinako talaga nakapasok.
    mam,ibang iba ang mukha mo nun?kasi maliit ang mukha mo saka cute na bumbay ang dating,bakit parang dito e iba? parang ako to nung 21 yr old pako ahaha.
    tsk,san na ba yung picture ko neto pag nakita mo matatawa ka,kasi
    pati ayos ng buhok parehong pareho e naka pusod lang pero shaggy ang gupit ko na medyo humaba na.
    my nunal ako sa tuluan ng luha,pero bakit dipa rin ako byuda?bwahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  5. mukha talaga akog bombay dahil takot daw akong maligo. whooops.

    ReplyDelete
  6. wala pa akong salamin niyan at wala pang make-up. nagmake up yata ako pagkatapos ko ng college.

    ReplyDelete