Una binabati ko muna ang mga nagbabasa diyan sa Middle East, sa Europe kasama ang London, Luxemburg, Switzerland; Canada, Australia, Indonesia, United States at ibang count-threes. Alam ko mga Pinoy ang mga yan kasi hindi naman ako mmaiintindihan ng poregners.
Hindi pumapasok yong bansa ni Lee kasi ang gamit niya doon ay sampayan lang. Pero merong Hong kong. Siguro illegal connection siya. May jumper. Isnabin mo may gumagamit pa ng Iphone at blackberry para ako mabasa. Delusional? Isa yan sa mga disorders na tatalakayin ko. mwehehe. May bagong feature kasi ang blogspot. Makikita mo kung saan nanggagaling ang iyong audience.bow.
Hindi lahat ng may disorder ay baliw.
Noong nandito na ako sa United States, saka lang ako na-aware sa mga disorders, mental and personality.Kung tutuusin si Sisa ay walang mental disorder. Siya ay talagang baliw. Nabaliw dahil sa nangyari sa kaniyang mga anak. Ito ang isang PAGTUMBOK ni Jose Rizal sa issue ng Responsible Parenthood. Ang akala ng mga magulang ay sapat na ang mag-anak lang (marami man o kaunti) , hayaang magtrabaho ang mga anak para may makain at maisugal. Yon ang ama nina Basilio at Crispin. Nandoon ang pagpilantik ng sobrang pagmamahal at pagtotolerate ng asawang babae sa mga bisyo ng lalaki. Talagang mababaliw nga kayo.
Ito ang mga sumusunod na disorder. Kung meron kayo, sumama na kayo sa aming asosasyon nina Lee at Biyay.
1. Anxiety or fear na kasama ang mga phobias kagaya ng takot sa spider, sa snake, sa tubig, panic disorder, obsessive compulsive disorder
Ako may phobia din ako sa tubig. Yon bang pagpaligo. Kaya di ako masyadong naliligo kasi wala naman akog boypren eh. (sabi yan noong naging tenant kong babae.). *heh*.
2. psychotic disorders kagaya ng delusions, (yong akala mo kinakausap ka ng Diyos, milyon ang nagbabasa saiyo at sikat ka na kasi nagbablog ka... feeling mo nasa high society ka na dahil kahobnob mo ang mga movers and shakers yon pala inimbita ka lang para -iblog mo ang event... o kaya feeling mo traveler ka na kasi nakapunta ka na sa isang bansa...thought disorder (palagay ko sakit ko ito). maayos nga ang cabinet sa aking utak.
3. Bipolar disorder-yong moody. Minsan nagtatawa, minsan umiiyak.
4. Personality disorder- Eating disorder,(yong hindi ka mag-oorder ng pagkain kahit gutom ka.) bwahaaha... sleeping disorder-yong kagaya ko gising sa gabi, tulog sa araw, nakatiwarik na nakadapo sa puno.
5. premenstrual dysphoric disorder -ito ang tinatawag ng mga babae na PMS-minsan good excuse para awayin ang boypren, asawa at kabit. oops.
Sandali kambiyo tayo. Bakit tinatalakay ko ang mga disorder. Hindi lang para malaman ninyo kung isa kayo doon.... :)
Ito ang balita tungkol sa mga magulang na sinisiraan ang hiwalay na asawa para kamuhian ng mga bata. May debate kung ito ay ituturing na mental disorder. Bakit ako interesado? Kasi may kilala akong ganito. Nope, hindi si Alec Baldwin na hiwalay kay Kim Basinger at nagkaroon ng problema sa child custody.
Nope, hindi rin ang sinasabing Sinungaling sa balitang ito.
Isa kong kakilala. Malapit sa akin. Siya ang naghirap na tumaguyod ng pamilya pagkatapos ang asawa at mga kamag-anak niya ay siniraan siya kaya hanggang ngayon ay malayo pa rin ang mga anak sa kaniya. Kahit nabingit na siya sa kamatayan ay hindi man lang pumunta ang isa niyang anak. Natanggap na niya na kailan man ay hindi na magbabago ang nasirang relasyon niya sa kaniyang panganay. Bago ko halbutin ang kumot,
ito ang balita.
PinaysaamerikaNEW YORK — The American Psychiatric Association has a hot potato on its hands as it updates its catalog of mental disorders — whether to include parental alienation, a disputed term conveying how a child's relationship with one estranged parent can be poisoned by the other.There's broad agreement that this sometimes occurs, usually triggered by a divorce and child-custody dispute. But there's bitter debate over whether the phenomenon should be formally classified as a mental health syndrome — a question now before the psychiatric association as it prepares the first complete revision since 1994 of its Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders.
tsk tsk teka mam,isa isahin natin kung aling category ako dyan...
ReplyDelete1. takot ako talaga sa daga at ipis,pero di ako takot sa tubig hehe.
2. hmmm minsan talagang na feel ko mam na b=isa na akong ganap na blogger,biro mo e yung isa kong blog my followers na 18 yata at yung isa e 12 o diba feeling sikat(chupoy)pero wala man lang event na nagimbita sakin mwehehe.
3. ay naku mam tunay ka,minsan natatawa ako talaga magisa at naiiyak magisa(dapat ba pagtawa at pagiyak my kasama para normal?)
4. naku mam,yun isa pa ako yun,pag upset at depress ako kain ako ng kain kahit di ako gutom.
5. ah eto mukang mkakaligtas ako dito,kasi wala akong aawayin, wala akong asawa,wala akong BF at lalong wala akong kabit(makahanap nga).
kami lumaki na kahit na nga ungas ang tatay namin e di kami pinalaking galit sa kanya,infact pinapagalitan kami ni mader pag nagagalit kami at sinisisi namin pader namin sa hirap na inaabot namin kasi magagalit daw si God samin pag ganun kami(pero di nya nakausap si God ha).
kaya yung jumakis ko e lumaking diko hinayaang magalit sa pader nya,sabi ko lang e paglaki nya e kung hahanapin nya e wag na wag nyang mabitbit sa nahay namin at paguuntugin ko sila mwehehe.
~lee
teka, my nalimutan ako,anu sa palagay mo mam(dika mapalagay?)
ReplyDeletemy mental disorder kaya ako????
~lee
Sa Bibliya Old and New, napakarami palang meyrong disorder... nakausap daw kasi sila ng Diyos. Mga televangelists all over the world at ang mga pastor ng relihyon at sekta sa Pinas, nakausap din nila ang Diyos. Kaya kapag sinabi ni "pader" na "Bahala ang nasa itaas." siguraduhin natin ni hindi yon ang sakristan na nasa kesame... naninilip.
ReplyDelete@Bal.O.Gaa... hahahahaha muntik malaglag tong laftaf(peram mam) ko kakatawa hahaha.
ReplyDelete~lee
speaking of followers mam, yun palang mga followers ko sa blog(kunu) ko e di pala mga loyal hmpt.... yung isa 18 ang followers pero 2 lang ang visits per week at yung isa na 12 ang followers setlog ang visits per week hmpt!
ReplyDeletedina ko makapasok sa
blog ko e mwehehe kahit ako nga diko na sinisilip e mwehehe e bat ko pa sisilipin e lam ko namang walang update(wala lang nararamdaman kolang na walang update).
so maiba tayo mam, este mabalik pala sa topic...
so kung lahat ng binanggit mo e considered mental disorder,e halos lahat pala ng tao e may banto?
pano ko malalaman kung anung klaseng mental disorder meron ako, since halos lahat ng nabanggit mong klase ng mental disorder e meron ako(maliban dun sa nakausap si God,di nya ko type kausap)
at sa tingin mo my gamot pa?
~lee
pag depress ako kain din ako ng kain. kahit di ko nalalasahan.
ReplyDeleteako wala ring mag-imbita sa event kasi ang mahal ng pamasahe. hahaha
saka alam naman nila na hindi ako mapapasulat pag talagang pangit ang product.
kuwartahin na lang nila. bawahahaha.
lee,
ReplyDeletekailangan bang sagutin ko yan. (biglang yuko baka biglang batuhin).
Bal,
ReplyDeleteAs long as hindi sila nang-aapi ng tao dahil sila raw ay ang sugo galing sa itaas.
lee,
ReplyDeletepalagay ko lahat tayo may kulang. yong iba kulang-kulang. yong ibang tao na man ay kulang kahit tinimbang.
di ba nga lahat tayo kinakausap ang sarili natin.
sa akin madalas akong sagutin. ikaw, sinasagot ba?