Thursday, October 21, 2010

Love can heal the pain like morphine-study

 Dear insansapinas,


Scientists in the U.S. tested 15 male and female university students who were in the early stages of a love affair.
They were then given mild doses of pain while looking at a photo of their partner. The study showed that feelings of love triggered by the photos, acted as an analgesic, while photos of attractive friends did not produce the same benefit.
Read more: http://www.metro.co.uk/lifestyle/843974-love-can-heal-pain-like-morphine#ixzz131fRAiJX
I was given morphine twice a day today. Para akong hibang pero nandoon pa rin ang sakit. My tolerance level is 12 when pain is 10. Pero for the past few days, ang intensity ay 15 kaya, alas tres, sugod kami sa emergency. Walang wangwang. Akala ko ako ang bampira na sisipsip ng dugo, ako pala ang biktima.

Imagine, apat na galon ang kinuha na naman sa akin eh dapat pala, dalawa lang . Ang traidor na nurse.!!!
Tapos minarder na naman ang aking kamay. Burdado na naman ang kaliwa at kanan kong kamay at braso. Leche.

Pinasok na nama ako sa Cat scan kung saan, breathe in, hold, breathe out na naman ang order sa akin noong makina. *heh*. Sabi ng doctor kailangan na naman daw akong i-confine habang hihintayin ang sched ng operation. This time, binalaan na ako ng doctor na huwag magtatago o tatakas. hehehe. Tinawagan niya ang Team Cat ko, ang GI, (Gastrointerologist, Surgeon, internist at isa pang specialist. Buti disbanded na ang A TEAM. Baka tinawag pa rin para hindi na ako makawala. 

Ayaw kong magconfine. Mas stress out ako sa hospital. Hindi ako makatulog. Ginigising ako ng buhay at patay. Nggggiiiii.
Pagkatapos akong bigyan ng pain medicine early morning ( alas kuwatro ng madaling araw kami sumugod sa emergency), Medyo hilo ako. Pikit ako ng mata ko. Sa bedside ko may matandang babae na baka galing pa sa mga nakaraang dekada. Ngayon lang yata siya nakakita ng Pinay. Pinaalis ko siya. Bigla siyang nawala. Namamasyal lang siguro. Tuwing makakapikit ako may parang BANG na pumuputok aking naririnig. Wala naman akong katabing emergency room na may tao. Sino ba naman ang gustong ipasok sa Room number 13. hehehe.
Pag nakapikit na ako, yong nurse naman ang darating. kuha ng vital signs. Whooah.  
Pag punta ko sa restroom, may mga pulis sa kabilang hallway. Iyon ang mga nagrespond sa 911 yata. Gusto ko sanang makitsismis pero malapit na akong dalhin sa laboratory.

Nadischarged ako ng pasado alas dose ng tanghali. Diretso sa pharmacy para dagdagan na naman ang prescriptions.

Bakit ko ito sinusulat? kasi pag sa ospital, tinatanong ako kung kailan, saan at bakit ako napapasok sa ospital. Kasi my pinto eh. Dito ako nagrerefer kung kailan nga ba. Last year, September yong almost a week aakong nakipagrigodon sa mga nurses sa ospital ding yon. bwahahaha.

Habol: Ngayon ko nakita na before 4 pala ng madaling araw, nililinis ng gobyerno ang highway at nga kalye. 
Kaya kinabukasan, walang garbage na nagkalat. 

Sa SF, pag lumabas ka ng 4 am , makikita mo rin ang truck ng tubig isa pang maliit na truck na parang nilalampaso ang kalye. Ang mga tinulugan ng mga homeless ay binobomba ng lysol.

Pero ang mga highways o freeway, minsan ang daming basura. Pag maswerte ka may makikita kang lumilipad na kutson. Tinatapon ng mga taong ayaw magbayad ng garbage sa landfill pag sumobra sa allowed trash na pipick-upin sa mga household.

Hazardous. 

Pinaysaamerika



No comments:

Post a Comment