Saturday, October 30, 2010

Ghost at iba pang Paranormal Stories ay isang multimillion business

 Dear insansapinas,
ghost in the car


Punong puno ng series about ghosts ang TV mula kahapon. Mga ghost adventurers, ghost hunters., etsetera,etsetera.


Para ka namang sirang nanood para lang marealize na 90 ng docu-reality shows ay mga mukha lang ng mga ghost hunters kuno ang pinapakita na para nakakatakot ay mukha silang green dahil sa night vision effect.
Leche. Plan.


Makarinig lang ng kaunting sound, takbuhan at imbestigahan. Siguro pag pinakitaan mo ng tunay na multo ang mga yon, hihimatayin. Wahahaha.


Sa mga experience ko sa mga multo, kung minsan hindi mo alam multo na pala yong nagpakita saiyo.


1. halimbawa ay istudyante naming nagpakita, na namatay ng gabi, kinabukasan ay nakita siya ng mga kaklase niya at ang babaeng in charge sa graduation. Nagsubmit siya ng requirements para grumaduate. By the time, tumawag ang family na namatay siya sa bangungot, nakapagpaalam na sa mga kaklase niya. Ang dating mahilig sa maong ay nakadressed to kill ng araw na iyo.


2. Yong half-asleep, half-awake ka saka sila magpapakita.
Halimbawa nang mamatay ang aking lolo. Nakita ko siyang pumasok sa aming kuwarto kung saan sama-sama kaming magkakapatid (sa takot). Nakita ko siyang lumapit sa akin at pinalo ako sa puwet.Salbahe ko kasi noon. siguro isang paalala sa kin yon para hindi maging pasaway. As usual ako lang ang nakakita.


Halimbawa nang magpaalam ang aking father. Nasa twilight zone din ako ng makita ko siyang pumasok sa kuwarto kung saan magkakasama kami lahat. Hindi pa siya patay. Nasa ospital siya at binabantayan ng aking panganay na kapatid. Pero bakit siya nasa bahay, tanong ko Sino ang kasama niyang umuwi?  Lumapit siya sa lahat. Hinalikan kami. Ang lamig.  Siguro ako lang ang gising o ako lang kasi ang nakakita o nakakaramdam. kinabukasan nakita ko ang kapatid ko galing sa ospital, may binulong sa mother ko. Kailangan na kaming magsuot ng itim.


3. May mga multo na pasaway o mabiro


Kagaya ng multo sa isa sa mga bahay na tinirhan ko sa SF at ibang lugar sa Bay Area sa California. Akhsually, lahat pala ng tinirhan ko meron. Hindi ko alam kung " nagrerenta" o sumasama sila sa akin.



Pero mas kumbinsido ako na doon lang sila sa bahay na yaon. Unang engkwentro ko ng multo ay doon sa bahay ng aking boss. Naku nakakatakot ang multo doon, Babaeng masungit. Pag tulog ako, tinatabig ako. Siguro nahihigan ko yong lugar niya o kaya mas maganda ako sa kaniya.




Ikalawang engkuwentro ko ay sa isang three storey house. Doon ako sa third story nakatira. Isang gabi, may nagrarattle ng pinto. Sa lakas, naalis yong kadena. Wala namang puwedeng umakyat doon na hindi dadaan sa second floor na sarado naman. Nang mahulog ang kadena, binuksan ko kaagad ang pinto na may dala-dalang pambambo. Wala namang tao. Mahaba yong hallway na walang taguan kung may nagbibiro o may nagtatangkang pumasok sa kuwarto ko.


Marami ng engkwentro sa huling tinirhan ko pero mga dalaw lang sila. May nakatira doon pero mapaglaro lang siya. Kagaya ng itatago ang gamit ng aking tenant, kagaya ng gunting na hawak niya, biglang mawawala sa kinalalagyan, relos niyang itinatago. 


Sa tinitirhan ko ay marami. Unang dating ko rito ay mga yabag ng paa, samantalang heavy carpeted ang aming floor. Tapos katok hindi lang sa pinto, kung hindi sa dingding. Ngayon asenso na sila. Alam na pangalan ko. Minsan ginigising ako. Sinisigaw ang pangalan ko. Hahahaha. 

Anniversary ng kamatayan ng mother ko bukas at nagpabili ako ng mga native foods sa Filipino store. Ang layo noon. Ayaw ko na kasing magluto ng paborito niyang suman. noong huli kasi nagreklamong walang lasa. hehehe kulang ng asukal. Eh kasi diabetic siya anoh. Kaya nga diabetic din ako.


Tinatanong ng mga kaibigan kong nakakaalam kong hindi raw ako takot sa multo. Depende sa multo, kako. Pag masamang ispiritu, takot ako. Besides di ko naman narerealize na multo na pala yong nakita ko kasi ordinaryo na lang.


Hindi naman ako pumpapayag na maging medium.  Kahit ang iba piangkakakakitaan yan. Hindi na. 

Sabi nga ng aking mentor na si Jaime Licauco:
The only time I believe one should communicate with the spirit of the dead is when the dead themselves manifest to the living that they have something important to convey.



Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment